1.
Ang labing siyam na taon ay matibay na basehan
upang masabing mahusay serbisyong pampahayagan
ang Punto Central Luzon News ay ganyan ang katangian
sa larangan ng balitang pawang makatotohanan
walang kinikilingan at walang pinoprotektahan
ang mga sinusulat ay ang totong kaganapan
2.
Sa loob ng labing siyam na taong pagseserbisyo
ang nasabing pahayagan ay marami ng natamo
na papuri’t pagkilala mga plake’t sertipiko
buhat sa pamahalaan at sa sektor na pribado
hindi namamanipula ng sino mang pulitiko
at kahit ng alin pa mang sangay ng ating gobyerno
3.
sa loob ng tatlong taon na dito ko pagsusulat
sa aki’y walang nagdikta kung ano’ng dapat isulat
kami ay may kalayaan sa nais na isiwalat
baganan may panuntunan na dapat sundin ng lahat
upang hindi pumalpak ang aming mga sinusulat
sinusuri na maige nitong aming tagasiyasat
4
Ang Punto Central Luzon News ay hinog na sa panahon
at dalawang dekada na rin sa susunod na taon
marami ng dinaanang mga pagsubok at hamon
ngunit nakatindig pa rin ito magpahanggang ngayon
kung may mga nagtangka man na gibain ito noon
nangabigo lamang dahil sa matibay ang pundasyon
5.
Walang duda ang dyaryo na kinagiliwan ng bayan
sa buong Central Luzon ang nangungunang pahayagan
kabuuang saklaw nito ay ang pitong lalawigan
ang Pampanga ang Zambales ang Aurora at Bulacan
Tarlac, Nueva Ecija at probinsiya ng Bataan
na kung saan ang main office ay nasa Telabastagan
6.
Bilang bahagi ng dyaryo kapalit ng aking ama
ako’y nagpapasalamat sa tiwala at suporta
sa tulong ni sir Bong Lacson at ni Attoney Endona
natupad ang pangarap kong maging isang kolumnista
salamat mam Ning Cordero ganoon din kay mam Irma
sir Mike Sicat, sir Rey Yumang, at sa lahat ng kasama
7.
Sa lahat ng bumati sa anibersayo ng Punto
taos sa puso ang aming pasasalamat sa inyo
CLMA, Marriot Hotel, pagpupugay po sa inyo
sa mainit na pagbati sa aming anibersaryo
nawa ang Poong Maykapal pagpalain lahat tayo
ganoon din itong aming pinaglilingkurang dyaryo



