Home Headlines Hot pursuit inilarga laban sa pumaslang sa punong barangay sa NE

Hot pursuit inilarga laban sa pumaslang sa punong barangay sa NE

213
0
SHARE
Imbestigasyon sa crime scene. Contributed photo

GUIMBA, Nueva Ecija – Magkasama umanong nagbabantay sa ipinagagawang gate ng kanilang bakuran sina barangay chairman Cenon Pineda, Jr. ng Barangay Banitan sa bayang ito at kanyang anak na si Noel nang pagbabarilin ng riding-in-tandem bandang ala-1:30 ng hapon nitong July 23.

Kapwa umano nagtamo ng maraming tama ng bala ng hindi binanggit na kalibre ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima.

Ang punong barangay ay isinugod sa Guimba General Hospital subalit idineklarang dead on arrival ng duktor, ayon sa imbestigasyon.

Sa isang hiwalay na pagamutan naman itinakbo ang kanyang anak.

Isang hot pursuit operation ang inilarga ng pulisya para sa ikadarakip ng mga salarin na tumakas sakay ng motorsiklong NM

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here