May pelikula na bang hindi minalas si Manny Pacquiao? At pati mga tv shows niya, kinagat na ba ng masa?
Wala pa, hindi po ba?
Meaning, talagang walang appeal si Manny kapag kailangang magbayad pa ang taumbayan para lang mapanood siya.
Bilang boksingero, successful siya. Ipinagbubunyi natin siya bilang Pambansang Kamao and he very well deserves the title.
Pero sa pelikula, no way, hindi talaga siya kinakagat. Kaya sana tigilan nay yang ilusyong sa Hollywood magkapangalan siya.
Ngayon kasi, walang puknat ang mga paid hacks ng boksingero na kesyo ilo-launch na’ng kanyang Hollywood movie career. Na kesyo tutulungan siyang isa pang B actor who’s pretending to be an American great.
Magtigilled. Pacquiao is not a star material no matter what. Tama na lang na sabihing isa siyang magaling an boksingero at tapusin na natin diyan pa lang.
As politician, hindi rin naman siya exceptional, hindi po ba? Kahit na ngayong pinepeke niya ang pagiging Evangelist kuno niya, walang dahilan para tangkilikin ang kanyang political career.
Simply put, the Philippines doesn’t need the simple mind of a simpleton like Manny Pacquiao. We are not headed for greatness kung aasahan natin ang pamumulitika niya.
He’s better or shall we say, the best, pagdating sa boxing, hanggang diyan na lang siya nararapat!
Magsalita ka, bayang Pilipinas!