Home Opinion Hindi na Kamao, kundi ng Maso na

Hindi na Kamao,
kundi ng Maso na

974
0
SHARE

ITO ang sa ganang ating panukala
ang tanging armas na pinakamabisa
upang mapatalsik ang di na nagsawa
sa pangungurakot sa kaban ng bansa.

Na ninanais man nating mapalitan
Ang nakararaming pahirap sa bayan,
sila pa rin itong laging nahahalal,
sanhi ng sila ay may salaping tangan.

Liban sa ang iba’y manok ng ‘oligarch,’
na pag-aari na n’yan ang halos lahat
ang dati ay tanging itong Pilipinas,
ang ‘sole owner’ ng Philippine National Bank

Gayon din naman sa kilalang ‘Flag Carrier’
nitong ating bansa na Philippine Airlines,
kung sino sa naging Pangulo ang ‘Seller’
yan sa kanya dapat ipabawi natin.

Ang Meralco, Nawasa at itong iba pang
‘Establishments, Toll Ways,’ na dati’y national
government’ ang siyang may hawak lahat n’yan,
bawiin na rin kay Manny Pangilinan.

At ang hawak pati riyan ng mga Lopez
Zobel, Ang at iba pang mga ‘billionaires,’
na dati’y ‘government own establishments,’
upang ang sigla ng bansa manumbalik.

Karagdagang pondo rin sa kabang bayan
ang ‘extra income’ na kikitain d’yan
ng pamahalaan kung ito’y tuluyang
mabawi sa tamang panahon, kabayan.

At ang epektibong kilos na marapat
gawin upang ito’y maisagawa agad,
‘Rev Gov’ ang isulong… at tayo ang lahat
na ng taongbayan ang magpapa-alab!

Hikayatin natin si Pangulong Digong
sa panawagan na ala-Rebulusyon,
at d’yan sa Luneta magkatipon-tipon
ang hangga’t maari mahigit isang milyon.

At Federalismo na itong igiit
natin kay Duterte, na siya rin ang nais
suportaang mai-deklara nang pilit,
bago bumaba sa ‘executive office’.

At di na Kamao, kundi ng Maso na
ang ihambalos sa mga kontrabida
na wala rin namang naihambang sila
sa bansa kundi ng kawalang pagasa.

Sana ay pagsapit nitong labing walo
ng Marso ihayag na r’yan ng Pangulo,
ang ‘Rev Gov, at kanyang isabay na ito
sa pang-53rd na riyang Anibersaryo

Nitong MNLF upang ito’y maging
makasaysayan  at mahirap limutin,
na sa araw na ‘yan ibinigay sa ‘tin
ni Digong ang ating dakilang mithiin.

At kung saan itong klase ng gobyerno
na iiral mula sa araw na ito,
ang maka-Diyos at sadyang makatao
na ang katawagan ay Federalismo!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here