Home Showbiz ?Hindi ako gaya ng iba na nagbubugaw ng sariling anak? ? Beth...

?Hindi ako gaya ng iba na nagbubugaw ng sariling anak? ? Beth Jones

283
0
SHARE

Kapuwa hindi umaasang magpapang-abot sa Zirkoh Timog kagabi sa show ng Faces And Voices featuring Gabby Concepcion ang matagal nang magkaaway na mga nanay nina Maui Taylor at Angelica Jones.

Nagsimula’ng awayan ng dalawa dahil sa mga di umano’y nawawalang alahas na ipinabenta ni Mommy Anette, nanay ni Maui Taylor sa nanay ni Angelica Jones na si Beth Jones. Sa naunang interview ng Philippine Entertainment Portal kay Mommy Anette noong summer, sinabi nitong ipinagkatiwala niya ang mga ahalas na nagkakahalaga ng tatlong daang libong piso upang ipabenta kay Beth Jones. Mula raw noon, hindi na ito nakipagkita sa kanya hangang na-trace niya’ng mga alahas sa sanglaang di umano nga ay pinagsanglaan ni Beth Jones. "Hawak ko yung papelito, bilang patunay na isinangla niya yung mga alahas," sabi pa noon no Mommy Anette.

Nagkataon namang nasunugan ng mga panahong yun ang mag-inang Beth Jones at Angelica at ayon sa isang interview naman sa kanila, ayaw na muna nilang sagutin ang mga akusasyon sa kanila ni Mommy Anette. "Alam naman ng Diyos kung sino ang nagsasabi sa amin ng totoo. Ako pa nga’ng maramimg alahas na ipinahiram sa kanya," sabi pa nito.

"At puwede ba, hindi ako nagbubugaw ng anak ko," parinig pa ni Beth Jones sa mga interviews sa kanya ng press.

At kagabi, nagkasalubong ng landas ang dalawa sa ticketron ng Zirkoh at hindi na nga nakapagpigil si Mommy Annete at kinompronta si Beth Jones. "Ano na, Beth, paano na yung utang mo," cool na sabi nito kay Beth Jones. Pero sa halip, tumaas ang boses ng nanay ni Angelica Jones at doon na nga nagsimula’ng komusyon. Mabuti na lang may mga kaibigan ang dalawa na umawat sa kanila.

Nagkukuwento na si Mommy Anette sa mga reporter na lumapit sa kanya at ipinapaliwanag kung bakit niya sinita si Beth Jones nang biglang nagdaan sa tabi nito si Beth Jones saka nagsalita ng kanyang dating linya, "ewan ko ba, basta ako hindi ako gaya ng iba na nagbubugaw ng sariling anak."

Nagpanting yata’ng tenga ni Mommy Anette at kaya galit na sinagot ang statement ni Beth Jones. "Sino ang sinasabi mong nagbugaw ng anak, ako ba? May ebidensya ka, patunayan mo ‘yan, patunayan mo yan," galit pa ring sagot ng nanay ni Maui Taylor.

"Oo, binubugaw mo ang sarili mong anak, di ba tumawag ka sa akin, sabi mo ihanap ko siya ng customer," muling sagot ni Mommy Beth pero this time, tahimik na si Mommy Anette dahil nagpaawat ito sa mga kausap niyang mga reporter.

"Ang sama ng akusasyon niya, hindi naman niya kayang patunayan. Si Maui, ibubugaw ko, hindi niya kilala ang anak ko, si Maui pa, hindi yan pumapayag sa mga ganyan," paliwanag pa nito sa press people na kaharap niya.

"Wala siyang pinag-aralan, wala siyang edukasyon. Ayaw ko siyang patulan na, matagal ko siyang di nakita, pinagtataguan niya ako, kaya ko siya kinausap pero siya pa ang matapang,"sabi pa nito.

"Masamang mga pinagsasabi niya, bibigyan ko siya ng leksyon, isasangguni ko ito sa abugado ko," ang sabi pa ni Mommy Annete na obviously ay apektado sa bintang na pagbubugaw sa sarili niyang anak. "Marami ang nakarinig sa ipinagsigawan niya, nakakahiya siya, hindi ko na ito palalampasin, idedemanda ko siya," sabi nito.

Nang lapitan naman namin si Mrs. Jones upang kunin ang kanyang panig," ganito ang sabi niya. "Hindi ako kumikibo, siya itong lumapit sa akin, basta na lang niya ako kinompronta , ano naman ang gagawin ko. Kung noon, hindi na ako kumibo, dahil nasunugan ako, ngayon ay ayaw ko nang tiisin, hindi ko na talaga siya mapalalampas. Wala akong alam sa mga bintang niya sa akin," sabi pa ni Mrs. Jones sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here