SAMAL, Bataan – Naglalakihan at nagtatayugang tila mga higanteng Christmas tree na gawa sa kapis at giniikan ang sinimulang ilawan sa municipal hall at plaza dito matapos ang countdown pasado alas-6 ng gabi noong Biyernes.
Kasabay ng mga awiting pamasko, paminsan-minsang sumasambulat ang liwanag at putukan sa kalangitan mula sa mga kuwitis habang sumisigaw sa galak ang maraming taong sumaksi kabilang ang mga kabataan.
Ang Christmas decoration sa Samal na gawa sa maraming kapis at giniikan ay simbulo umano na ang bayang ito sa Bataan ay binubuo ng maraming mangingisda at magsasaka.
“Kauna-unahan ito sa kasaysayan ng Christmas celebration sa buong Bataan na ang itinampok ay mga kapis na marami sa aming bayan,” paliwanag ni Samal Mayor Gene dela Fuente. Dumalo sa nasabing okasyon si Rep. Herminia Roman ng unang distrito ng Bataan.
Bukod sa mga Christmas cones na sa tuktok ay makikita ang malalaki ring parol, napuno rin ng liwanag ang Samal municipal hall na napapalamutian din ng kapis ang maraming bahagi.