Home Headlines Higanteng sandok, siyansi planong isali sa Guinness World Record

Higanteng sandok, siyansi planong isali sa Guinness World Record

517
0
SHARE
Ang mala-higanteng sandok na nais isabak ni Diosdado Reyes para masungkit ang Guiness World Record na pinakamalaking sandok na maaring magamit sa actual na pagluluto. Kuha ni Rommel Ramos

FLORIDABLANCA, Pampanga — Patok na good vibes sa mga netizens ang higanteng mga sandok at siyansi na gawa sa Barangay Mabical dito.

Nakatuwaan lang daw ito ni Diosdado Reyes na gawing display sa kanilang tindahan ngunit malaunan ay nakagiliwan ng publiko na nagpapalitrato hanggang sa malaunan ay naging mabenta na rin ito.

Ito ay may haba na 8-talampakan at may lapad ng dahon na 30-pulgada na nagkakahalaga ng P8,000 kada piraso na inaabot ng tatlong araw sa paggawa.

Pero ang mala-higanteng sandok at siyansi na pang good vibes lang sana ay nais na daw ni Reyes na isali sa Guinness World Record bilang pinakamahaba at pinakamalaking sandok at siyansi na magagamit sa pagluluto.

Sa kabila kasi aniya ng kakaibang laki at haba nito ay maari naman talaga itong pakinabangan o magamit sa pagluluto gaya ng tipikal na mga gamit sa kusina.

Kasunod nito ay nananawagan siya sa mga maaring makatulong sa kanya para makapagtangka sa Guiness World Record.

Ani Reyes, matagal na nilang negosyo ang paggawa ng mga gamit sa pagluluto dahil kilala din ang Pampanga sa industriya bilang Culinary Capital of the Philippines.

“Pinukpok” ang tawag sa industriyang ito sa lugar dahil sa manu-mano itong ginagawa nila Reyes na yari sa aluminum products gaya ng sandok at siyansi.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here