Hayden Koh bounces back

    107
    0
    SHARE
    Tila iniwanan na ni Hayden Kho ang madilim niyang nakaraan sa launch ng Hayden, ang kanyang bagong perfume business noong isang araw.

    Noong nakaraang taon, nalagay si Hayden sa matinding kontrobersiya matapos kumalat sa Internet ang ilang mga sex video na nagtatampok kay Hayden at sa iba’t ibang mga babae, kasama ang sexy actress na si Katrina Halili.

    Nag-file si Katrina ng criminal case laban kay Hayden. Nagkaroon pa ito ng Senate investigation kung saan ilang oras ding nilagay sa hot seat si Hayden sa harap ng ilang mambabatas na interesado umano sa kaso.

    Natanggal din ang lisensiya ni Hayden bilang doktor, at tuluyan na rin siyang nawala sa mundo ng showbiz. May mga umugong na balitang nagtangka raw magpakamatay si Hayden.

    Itinuturing na malaking event ang naganap na launch ng perfume business ni Hayden dahil ito ang unang pagkakataon na muli siyang humarap sa publiko isang taon matapos magsimula ang iskandalo.

     “The thing is, a few years ago, I got myself into trouble. I faced the darkest moment of my life. And it was very, very difficult for me… But then again there’s a saying, ‘Every cloud has a silver lining…’

    “I’m the type of person who’s very kinesthetic. You know, I’m never satisfied with just looking at things. I always feel compelled to touch and smell things. I guess that’s what got me into trouble before.”

    Pinaliwanag din niya kung bakit ang paggawa ng pabango ang naisip niyang gawing negosyo.

    “When I was in med school, I read a scientific study that fragrance is linked to emotions. I became intrigued and I wanted to know why. But I had too many things to study and I kinda put that on the back burner. And then there was my medical career… and then my showbiz career, and things got chaotic…

    “What I wanted to do was to find a new inspiration. I wanted something that could excite me, something very special. I wanted a fragrance like that… I guess when I couldn’t find it, I decided to make it myself,” saad ni Hayden.

     Dumalo sa perfume launch si Dra. Vicki Belo, na nagsabing “very proud” siya para sa kanyang partner na si Hayden.

    Kasama rin sa mga bisita ang ilan sa mga kaibigan ni Hayden sa mundo ng showbiz—Richard Gutierrez, Anne Curtis, Solenn Heusaff, Erwan Heusaff, Chris Cayzer, Raymond Gutierrez, Bubble Paraiso, Matteo Guidicelli, Toni Rose Gayda, Cacai Velasquez, Ramon Mitra, at Tessa Prieto-Valdes.

    Nandun din ang dating asawa ni Dra. Vicki na si Atom Henares, ang ina ni Hayden na si Irene, ang kanyang lawyer na si Atty. Lorna Kapunan, at ang kanyang perfume-making mentor na si Arnaud Rochet.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here