Home Opinion HAPPY 11th ANNIVERSARY to PUNTO Central Luzon News!

HAPPY 11th ANNIVERSARY to PUNTO Central Luzon News!

670
0
SHARE

SA NAKALIPAS na labing isang taon
na pananatiling isa sa aktibong
dyario itong PUNTO sa gitna ng Luzon
sa kabila ng matinding kompetisyon

Gaya r’yan ng ilang lokal at ‘regional
papers’ na halos ay di makagulapay
at makatayo ng matatag, sanhi r’yan
na ang iba’y salat sa ‘sources’ kung minsan

Kundi man pinansyal, subalit nahinto
sapagkat ‘publishers’ ang kusang sumuko,
sanhi ng kung walang ‘ads’ na siyang ‘dugo’
ng ‘newspapering’ ang buhay mapupugto.

Gaya nitong PUNTO kung di lang marahil
sa tiyaga at sipag ng nasa marketing,
na katulad ni Ning Cordero, posibleng
ang sirkulasyon n’yan baka dedbol na rin.

Pagkat alin pa man yatang ‘media outfit’
ay hindi matatag na makatitindig
‘In absence of a marketing executive
And a good and tested an Editor-in-Chief,

Na tulad ng ating si Caesar “Bong” Lacson,
Veteran Journalists, other contributors,
Layout Artist, GM – like our very own
Attorney ENDONA, saan tayo ngayon?

Marahil kung nasa ibang pahayagan
tayo bawat isa ay baka matagal
na rin tayong walang kina-aanibang
media outfi t dito sa kasalukuyan.

Na hayan patuloy pa ring mababasa
dito sa atin at karatig probinsya,
gaya ng Bataan, Tarlac, Nueva Ecija
at sa Internet din kapag nag-’log in’ ka.

Ganyan ka-’access’ sa ating ‘social media’
ang anila’y modernong teknolohiya
sa panahong ito – na hindi kagaya
nang panahong tayo ay mga bata pa.

Kaya naman ngayong ‘advance’ na ang lahat
ng bagay sa mundo, ang pamamahayag
ay abot-kamay na rin sa isang iglap
ng ating ‘readers’ sa buong Pilipinas.

At kung saan kahit nasa bahay ka lang
ay makababasa na ng pahayagan,
partikular na ang PUNTO kahit saan,
nang dahil na rin sa mga ‘infomercial’

At iba pang ‘ads’ na tulad o kagaya
ng ‘legal notices’ na sa dyario nila
ipinapa-publish at ito rin ang kwenta
puso at dugo ng ‘4th state’ kumbaga.

Gaya nitong PUNTO, na ‘eleven years old’
na ang sirkulasyon sa Oktubre a dos,
‘yan sa biyaya ng Dakilang Diyos,
ang ‘set of staff ’ nyan ay nakararaos

‘HAPPY 11th BIRTHDAY to you our dear
PUNTO Central Luzon on October 2nd;
And may our Almighty God give you more power
As well as its GM – writers and publisher!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here