Gwen Garci apat na beses nag-frontal nudity sa bagong bold movie

    363
    0
    SHARE

    Mistulang porno movie raw ang Room 213 nina Gwen Garci at Allen Dizon. Kung hindi lang daw sikat at kilala ang mga artista rito, sasabihion mong garden type of a porno movie ang pelikulang ito.

    Siksik kasi ito sa sexy scenes, tulad ng lesbian scene nina Gwen at Maricar de Mesa at ang “pagsasariling sikap” ni Allen sa harap ng salamin.
    May threesome rin dito sina Gwen, Maricar at Tyron Perez, kung saan hubo’t hubad silang tatlo.

    May mainit ding love scene sina Gwen at Allen, kung saan nagpakita uli ng puwet ang huli. Si Gwen naman, apat na beses nag-frontal sa pelikula.

    “Okey lang sa akin ang frontal nudity as long as it is done artistically. Saka, malaki ang tiwala ko sa director naming, si Keith Sicat, na based pa sa New York,” paliwanag ni Gwen.   

    Katrina Halili imbiyerna kay Marian Rivera?

    Sa sobrang inis pala ni Katrina Halili dahil di na siya nanalo bilang sexiest ngayong taong ito sa FHM, sobrang nagwala raw ito sa kanyang pictorial sa ibang men’s magazine.
    Dalawang magkasunod na taong hinawakan ni Katrina ang naturang korona as FHM’s sexiest cover girl, pero this year, kinabog siya ni Marian Rivera.

    May kinalaman din kaya ang pagkatalo ni Katrina kay Marian sa FHM kung kaya nagpaka-daring siya sa cover ng isa pang men’s magazine na Maxim?

    Sa cover ng naturang magasin, halos ibilad na ni Katrina ang kanyang kaluluwa. Ito marahil ang kanyang way para ipagsigawan na siya pa rina ng pinakseksi sa lahat at kaya niyang talbugan ang iba.

    Ano naman kaya ang reaksyon dito ni Katrina?

    “Nasa concept po kasi ‘yon. Hindi naman ako ang nagsa-suggest kung ano ang dapat maging concept ng pictorial. Ginawa ko lang naman kung ano ‘yung pinapagawa nila sa akin,” wika pa niya.

    Pero sa bandang huli, inamin ni Katrina na isa ang pictorial niya sa Maxim sa pinaka-daring na nagawa niya sa kanyang career.

    “Grabe ‘yon. Hindi ko nga akalain na magagawa ko ‘yon,” sabi pa niya.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here