Home Headlines Gulong ng truck tumilapon, mag-asawang senior sugatan

Gulong ng truck tumilapon, mag-asawang senior sugatan

302
0
SHARE

Ang mag-asawang sugatan bago dinala sa pagamutan. Larawan buhat sa Malolos Police Station



LUNGSOD NG
MALOLOS — Sugatan ang mag-asawang senior citizen matapos tamaan ng natanggal na gulong mula sa Elf truck nitong Miyerkules.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Tito Ricahuerta Sto. Domingo, 70, at kanyang maybahay na si Juanita, 67, residente ng Barangay Mahabang Parang, Sta. Maria Bulacan.

Ayon sa report ni Cpl. Jeffrey Dela Peña, ang investigator on case, nakatayo sa pedestrian lane ang mag-asawa nang tamaan ng gulong na kumalas sa kanang bahagi ng Isuzu Elf truck na may plakang RDX 302 na minamaneho ni Patrocinio Yanzon Salamat, 37, residente ng Paombong Bulacan.

Isinugod ng Bulacan rescue team sa Bulacan Medical Center ang mag-asawa.

Ayon sa imbestigador, inilipat kalaunan ang babaeng biktima sa isang pribadong ospital sa Maynila at naka-intubate ito ngayon habang ang lalaki ay patuloy na ginagamot sa Bulacan Medical Center.

Hindi nagbigay ng panayam ang driver ng truck na kasalukuyang nasa kustodiya ng Malolos police.

Wala ring panayam mula sa mga kaanak ng mag-asawang biktima na ayon sa impormasyon ay magpapacheck umano sa isang duktor nang maganap ang insidente.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here