Home Headlines Grupo ng guro binatikos ang trimester program ng DepEd.

Grupo ng guro binatikos ang trimester program ng DepEd.

179
0
SHARE
Si Arlene James Pagaduan, presidente ng ASSERT Central Luzon - Union, habang pinapaliwa ang aniya'y kalituhan sa trimester curriculum.
LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga — Mahigit isang linggo sa pagsisimula ng school year 2026-2027 ay binatikos na ng Action and Solidarity for the Empowerment of Teachers o ASSERT -Central Luzon Union ang three-term (trimester) academic calendar for basic education ng DepEd.
Ayon kay Arlene James Pagaduan, presidente ng ASSERT Central Luzon – Union, nagkakaron ng kalituhan sa mga guro ang implementasyon ng trimester curriculum ng DepEd.
Kung may epekto aniya ito sa mga guro ay may epekto din ito sa pag-aaral ng mga eatudyante.
Aniya, hindi kasi ito nagkaroon ng konsultasyon, walang paghahanda, training at kagamitan kaya lalo nahihirapan ang mga guro.
May epekto aniya ito sa mag aaral at hindi maganda ang papalit-palit ng curriculum at nawawalan ng mastery ang mga guro.
Dagdag pa aniya sa pagkalito na bukod sa trimester curriculum ay umiiral pa rin ang revised K-10 curriculum, Senior High at Matatag curriculum.
Wala aniyang materyales at walang training ang mga guro na ang lahat ng ito ang mga guro ang sumasalo.
Resulta aniya ay sila na ang naghahanap ng paraan dahil sa walang text book.
Ngayon aniya ay nararanasan na ang pagkukulang na ito.
Nanawagan siya sa DepEd na sana ay may tamang konsultasyon sa mga gurong nasa classroom dahil ang mga ito ang nakakaalam ng pangangailangan ng mga mag-aaral.
Hindi ang papalit-palit ng curriculum amg solusyon kundi ay ugatin talaga ang dahilan ng pagkakaroon ng krisis sa edukasyon sa bansa.
Hindi aniya dapat na band aid solution lang kundi ay alamin kung ano ang permanenteng solution sa krisis ng edukasyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here