Gerald Santos muli na namang umiinit ang career

    185
    0
    SHARE

    Remake ng hit OPM 80s at 90s songs ang laman ng third album ni Gerald Santos na Prince of Ballad. Produced ng Prinstar Music at distributed ng Ivory Musiv and Video ang album.

    Sa nine-track album, lima ang kanta at minus one ang side B, kaya puwedeng mag-sing-along ang bibili nito.

    Kasama sa album ang Ikaw Lang na original ni Chad Borja at Ikaw Pa Rin Ang Mahal Ko, theme song ng TV5 series Sa Ngalan ng Ina at sinulat ni Ryan Cayabyab.

    Hindi sinabi kung alin ang carrier single ng album, basta magugustuhan din ang Paminsan-minsan, Hindi Magbabago at Maghintay Ka Lamang.

    Malinaw yung pahayag ni Gerald Santos na kahit na nawala siya sa GMA 7 noong araw, wala naman siyang sama ng loob sa network. Walang anumang paliwanag si Gerald kung bakit umalis siya sa GMA 7, pero suspetsa ng ilan, talagang may misteryosong nangyari kaya siya pinabayaan ng network.

    Kung tutuusin kasi, home grown talent ng GMA 7 si Gerald having startec with them nang manalo siya
    sa “Pinoy Pop Superstar 2” in 2006 when he was only 15 years old. Born on May 15, 1991, kinontrata siya ng siyete.

    In connection with this, nabigyan siya ng album, “Day on the Rainbow” and even acted in several shows like “Magpakailanman” and “I Luv New York”.

    Pero nakapagtataka ngang naging free lancer na lang siya ang mag-expire ang kanyang kontrata and signed up with TV5 where he did shows like “Hey It’s Saberday” and “Sunday Funday”.

    After that, medyo lumamlam ang kanyang career.

    Sa ngayon muli na namang umiinit si Gerald dahil sa promo ng kanyan g “Gerald Santos: The Prince of Ballad,” distributed by Ivory Music.

    Samantala, gagawin ni Gerald ang San Pedro Calungson The Musical na ipalalabas sa PETA sa October 21 at 27 with matinee shows produced ng Mat-Pil Productions.

    Sa November 23, magkasama naman sila ni Nina sa isang concert sa Metro Bar.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here