Gerald Anderson inaamin na ni Sarah Geronimo

    353
    0
    SHARE

    This early ay pinaghahandaan na ni Sarah Geronimo ang kanyang birthday blowout sa July para sa kanyang mga tagahanga.

    Isang bongga at fabulous concert daw ang gagawin ng pop star.

    Matagal-tagal na rin ang huling concert ni Sarah kaya naman inaabangan na ng kanyang fans ang susunod niyang konsiyerto.

    Ayaw pa nilang magbigay ng detalye para sa nasabing big concert ni Sarah pero ayon sa manager niyang si Vic del Rosario, mamamangha ang mga manonood ng birthday concert dahil sa mga kakaibang gagawin ni Sarah.

    Siya rin ang kumanta ng theme song ng ABS-CBN summer station ID, kasama ang nababalitang boyfriend niya na si Gerald Anderson.

    May mga nagtatanong din kung sa birthday concert ba raw na ito aaminin ni Sarah na sila na talaga ni Gerald.

    Samantala, kasabay ng preparation sa big concert, abala rin ang dalaga sa pagsu-shooting ng movie nila ni John Lloyd Cruz, third installment sa naunang dalawang box-office hits nila na A Very Special Love at You Changed My Life.

    Balitang July ang target playdate ng pelikula na ngayon pa lang ay hinihintay na ng marami.

    May isa pang malaking endorsement si Sarah na dapat ding abangan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here