Gaya-gaya puto maya

    326
    0
    SHARE

    Napagkakamalan si Daniel Padilla na sadyang ginagaya ang kilos at pananalita ng kanyang uncle na si Robin Padilla.

    Robin na Robin kasi ang dating ng young actor na ito na kapareha ni Kathryn Bernardo sa Princess and I.

    Pero say niya in one interview, hindi niya sadyang ginagaya ang Uncle Binoe at ganu’n na raw siya talaga kumilos.
    “Pareho po ang apelyido namin kaya ganito kaming mga Padilla lahat,” say niya.

    Ganu’n daw yata talaga ang kilos ng mga Padilla dahil kahit naman daw ang iba niyang tito at mga kapatid ay kapareho rin ni Robin na mag-aasta.

    Dahil nga sa astig niyang kilos na kagaya ng Tito Robin niya, may nagsasabing bagay din siya sa action at palitan sa trono ang uncle.

    Pero ayon sa bagets, gusto rin niyang ma-try ang lahat ng klase ng genre although sa ngayon, pa-wholesome-wholesome muna siya.

    Samantala, humataw sa national TV ratings at ang pilot episode ng teleserye nina Daniel, Kahtryn, Enrique Gil and Kalil Ramos na Princess and I. 

    Base sa datos ng Kantar Media, nakakuha ito ng 31.7 percent sa national TV ratings.
     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here