Home Headlines Fetus natagpuan sa sapa

Fetus natagpuan sa sapa

268
0
SHARE

Binibendisyunan ng isang pastor ang fetus bago ilibing. Photo courtesy Yolanda Crisenes, Bagong Silang barangay secretary



LUNGSOD
NG BALANGA – Isang fetus ang natagpuang wala ng buhay sa isang  tuyong sapa sa Barangay Bagong Silang sa lungsod na ito Lunes ng umaga.

Ayon kay Bagong Silang punong barangay Doroteo Austria, nakita ang fetus sa Sitio Bliss bandang alas-7:30 ng umaga ngunit agad din nilang ipinalibing sa Tenejero public cemetery sa lungsod ding ito.

Aniya, inilagay ang fetus sa isang maayos na kahon at binindisyunan bago dinala sa sementeryo.

Si barangay midwife Rose Aguila umano ang tumingin sa fetus ngunit hindi na inalam kung babae o lalaki dahil hindi na ginalaw dahil sa awa rito.

Sinabi ng punong barangay na agad nilang inireport ito sa pulisya at maging sa city health office. Patuloy umano ang pagtatanong nila sa kung sino ang walang pusong ina ang nagtapon ng sariling anak.

Ayon kay Aguila, nasa pagitan ng lima at anim na buwan ang fetus at buo na.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here