Fashionissimo official candidates inaabangan na

    94
    0
    SHARE

    Nakausap namin ang mga prime movers ng male personality contest na Fashionissimo na sina Direk Mak Del Leon, Albert Tan at Armando Fabia, and all three are one in saying na talagang sila ay amazed sa turnout ng mga guwapong lalaking gustong sumali sa kanilang contest.

    Nakaparami nga kasing nag-go see although limitado lang ang kukunin nilang official candidates. So far, nahihirapan sila dahil nga ang dami ng mga sumugod para mag-go see at sa tingin nila halos lahat ay puwedeng maging official candidates.

     “We will just work very hard to come up with the best,” sabi pa ni Albert Tan. Ayaw naman naming makaligtaan yung iba, pero talagang ganun, hindi lahat sila ay puwede.”

    “Mga trenta lang siguro, tito, tamang-tama lang yun pa mai-manage naming mabuti,”sabi naman direk Mak De leon whom we witnessed how hard working in some projects na kasama niya kami.

    “My pictorial kami somehere in Quezon sa last Sunday ng Agosto, and hopefully, isang bonggang-bongga press presentation,” sabi naman ni Armando Fabia.

    Meanwhile, may sarili na silang website at ito yung www.fashionissimo.com. Dun daw nila ia-announce ang official candidates.

    Abangan po nating lahat.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here