Fans, ayaw na magkontrabida si Ser Chief

    266
    0
    SHARE
    Nagrereklamo naman ang mga tagahanga ni Richard Yap (Ser Chief nating mahal) sa mga role na ibinibigay sa kanya ngayong malapit nang manganak si Judy Ann Santos. Itutuloy daw ba ng Kapamilya network ang seryeng pagsasamahan nila (Someone to Watch Over Me)?

    Bagama’t nagpapasalamat sila dahil hindi nababakante si Richard Yap, hindi nila ma-take na kontrabida ang kanilang idolo sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ at sa ‘Wansapanataym’ nila ni Enchong Dee.

    Minahal nila si Richard/Ser Chief bilang ideal wife and father to Jodi Santa- maria at Janella Salvador, Mutya Orquia, at Jerome Ponce.

    Sana raw ay bumalik siya sa ganung roles.

    Matatandaang hindi tinanggap ni Richard Gomez nang gawing kontrabida sa GMA noon. Pero, nang ibalik siya ng ABS where he really belongs balik si Richard sa dati. Richard Gomez is on top again.

    Ganoon din sana ang inaasahan nila kay Richard Yap.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here