Ex-Governor Mark Lapid marries Tanya Garcia

    395
    0
    SHARE
    Ngayong magdadalawa na ang mga anak nina dating Pampanga Governor Mark Lapid at Tanya Garcia, natuloy na rin sa wakas ang kasal Friday, July 30, sa naganap ang civil wedding nila sa Marissa Hall sa Porac, Pampanga. Mismong ang mayor ng Porac na si Codralito dela Cruz ang nagkasal sa kanila.

    Ayon kay Mark, annulled  na ang kasal nila ni Yuri Park, ang  Korenang pinakasalan niya na kung saan may isang anak sila.

    Present ang mga magulang ng bride na sina Mr. and Mrs. Patrick and Cristina Lyttle, and groom na sina Senator Lito Lapid and Marissa, at iba pang kamag-anak at ilang malalapit na kaibigan.

    Civil wedding muna ang naisip ng mga bagong kasal dahil nasa ikaanim na buwan na si Tanya sa kanyang pagbubuntis sa ikalawa nilang anak. Bago raw ito manganak ay gusto ni Mark na Lapid na ang apelyido ng dinadala ni Tanya. May isa na silang anak, si Mischa Amidala, na two years old na at ipinanganak ni Tanya sa Las Vegas, Nevada.

     Ayon kay Tanya, simpleng civil wedding lang naman daw talaga ang gusto niya. 

    “Natuwa naman ako kasi nga isang special occasion ito para sa amin ni Mark and tama lang na i-share namin ito with our relatives. Sina Mommy Marissa at ang mommy ko ang naging punong-abala sa lahat kaya I am so surprised. Pati si Mark, natuwa sa naging preparations kasi ang bilis na nagawa.”

    Ayon pa kay Mark, matagal na raw niyang gustong matuloy ang kasal nila ni Tanya. Dapat ay ngayong taon ang church wedding nila, pero biglang nabuntis ulit si Tanya. Kaya civil wedding muna ang ginawa nila at sa April 2011 na ang kanilang church wedding.

    “Tuloy iyon at nasa planning stage na,” ngiti ni Mark. “Gusto ni Tanya na after niyang manganak, magpapa-sexy siya para maganda naman daw siya sa wedding day namin. Nakaplano naman na lahat talaga pero na-move lang namin.”

    Dagdag pa ni Mark na kaya nila ginawa na ang civil wedding ay para matapos na ang mga tsismis na baka wala raw siyang balak pakasalan si Tanya. Last year ng    a kasi ay nakuha na ni Mark ang annulment niya sa unang asawang si Yuri Park.

    “Naawa kasi ako kay Tanya… Siya yung nagiging target ng mga intriga parati sa relasyon namin. Pero bilib naman ako kay Tanya kasi kinakaya niya ang mga sinasabi ng maraming tao sa kanya. Bilib ako sa patience at pagiging matatag niya sa samahan namin.

    “Kaya ngayon siguro ay matatapos na ang mga pintas nila kay Tanya kasi nga, legally, Mrs. Mark Lapid na siya. Kahit na civil wedding pa lang ito, it’s still official. Sana ay wala na silang masabing hindi maganda sa misis ko.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here