Ex-barangay chairman, 3 kaanak arestado sa carnapping

    633
    0
    SHARE
    SAN SIMON, Pampanga —- Arestado ang isang dating chairman ng Barangay San Miguel dito at tatlong kamag-anak nito matapos maaktuhan na nagkakatay ng mga kinarnap na L300 FB van.

    Kinilala ng pulisya ang mga naaresto na sinaAndres Maglanque, dating kapitan ng baranggay mula 1997 hanggang 2002, ang kapatid nito na si Lindon Maglanque, anak na si Arvee Maglanque at pintor na si Jamir Malanque.

    Ayon kay SPO3 Marvin Millante ng anti-carnapping group ng Camp Caringal, isang FB L300 van na may plakang NIT700 ang kinarnap Huwebes ng gabi sa Novaliches.

    Namataan naman ang FB na ito sa Talipapa Sangandaan sa Quezon City at nang masundan ay dinala ito sa San Miguel, San Simon.

    Dito na naaktuhan ang mga suspek sa kanilang katayan ng L300 na ibenebenta nila na bukod bukod ang makina, kaha at mga pyesa.

    Narekober sa mga suspek ang limang L300, dalawang motor, isang Adventure AUV at dalawang Kia van na pawang hinihinalang mga carnap din.

    Nakuha din ang nga kinatay na pyesa ng FB van, ibat ibang mga plaka at pinipinturahan na kaha ng sasakyan.

    Nakuha din ang isang Mitsubishi Lancer na may plakang UHG 716.

    May mga hawak daw ang anti-carnap group na mga CCTV na ginagamit ang kotse na ito na pang surveillance bago nakawin ang isang FB.

    Tumangging magbigay ng pahayag ang mga suspek.

    Ang mga narekober na sasakyan ay dadalhin sa Camp Caringal sa Quezon City habang inihahanda na ang mga kasong kakaharapin ng mga suspek.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here