Chinese nahulihan ng 1 kilo ng shabu

    79
    0
    SHARE
    CAMP OLIVAS, Pampanga —- Bumagsak sa kamay ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 3 ang isang Chinese national matapos itong mahulihan ng isang kilo ng shabu nitong Huwebes sa District Mall sa Imus, Cavite.

    Naaresto sa buy-bust operation ang suspek na kinilalang si Jessie Chua, 41, residente ng Veraville Town Homes, Las Piñas City.

    Ayon sa ulat, mula ng Pebrero 2015 ay minomonitor na ng PDEA ang aktibidad ni Chua.

    Sa buy-bust operation kumagat si Chua sa drug deal ng isang PDEA agent na nagpanggap na bibili ng isang kilo ng shabu sa halagang P1.5 milyon at ang tagpuan ay sa nasabing lugar.

    Nakalagay sa isang malaking ziplock plastic bag ang nasabing shabu na umaabot naman sa street value na P3.5 milyon.

    Ang suspek ay hawak ngayon ng PDEA Region 3 at nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act.

    Itinatanggi naman ng suspek ang nasabing ulat at naroon lamang daw sila sa nasabing lugar para mamasyal kasama ng kanyang anak.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here