Estudyanteng namatay sa BulSU tragedy ginawaran ng Gintong Kabataan Award

    293
    0
    SHARE

    LUNGSOD NG MALOLOS – “Masaya ngunit masakit.” Ito ang emosyon ng mga magulang ni Sean Rodney Alejo, isa sa pitong Bulacan State University tourism student na namatay sa flash flood sa Madlum River sa San Miguel, Bulacan, sa gitna ng pagbibigay dito ng parangal sa Gintong Kabataan Awards (GKA) nitong Martes sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center sa lungsod na ito.

    Ayon kay Rodolfo Alejo, ama ng biktima, bagamat pumanaw ang kanilang anak ay nakatanggap ito ng parangal at kinilala bilang bayani sa naganap na trahedya sapagkat nagsagip daw ito ng buhay ng mga kaklase noong panahon na sila ay tinatangay ng malakas na agos.

    Natutuwa daw sila na nagging makabuluhan at hindi nasayang ang pagkamatay ng kanilanga anak. Sa kabila nito ay pinipilit daw nila na makarekober sa nangyaring trahedya at nakapag-file na sila ng kaso sa Ombudsman para mapanagot ang mga nagkulang at nauwi sa trahedya ang fieldtrip.

    Sa gitna ng parangal ay mensahe nila sa publiko na ingatan ng mga magulang ang kanilang mga anak at ang eskwelahan ay dapat gawin ang kanilang obligasyon bilang pangalawang magulang ng mga bata kapag ito ay nasa kanilang pangangalaga.

    Kasama din sa binigyan ng parangal sina GMA news reporter Steve Dailisan at GMA news Anchor Arnold Clavio bilang na mga natatanging kabataan sa Bulacan. Kinikilala sa GKA na ito ang mga kabataang may angking kahusayan at kakayahan sa iba’t ibang kategorya kabilang na dito ang Akademya (Sekondarya at Kolehiyo), Sining at Kultura, Serbisyo Publiko (Indibidwal at Grupo), Negosyante, Trabahong Pang-Propesyonal at Mahusay na Manggagawa, Isports (Indibidwal at Grupo), at ang Gintong Kabataang Bayani na siya nan gang iginawad sa biktimang si Rodney.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here