Erich something katorse anyos na mukhang trenta na

    3940
    0
    SHARE
    Nais naming mapahalakhak sa Katorse ek ng ABS-CBN. Kaloka, ginawa ba namang edad katorse lang si Erich gayung mukha naman siyang trenta na. Look, this Erich is so matured-looking na talagang walang kainosentihan ni katiting. Tapos gagawin mong edad katorse, di parang nanlilinlang ka na lang ng tao.

    Ayokong husgahan ang galing sa pag-arte ni Erich, dahil sa true, di naman siya magaling. Nakapanood na kami ng ilang series na kasali siya and we must say na marami siyang kakulangan. Tapos, lalagyan mo pang edad factor, ano na angkalabasan? Di ba, magmumukhang lumpiang prito na kailangang isawsaw mo pa sa suka at sili para magkaroon ng kaunting asim at anghang.

    Anyway, good luck na lang, kasali kami sa magdarasal na malampasan ni Erich something ang krisis na sana naman, panoorin ang kanyang Trenta, este Katorse kahit na mukhang trenta anyos na siya.

    O di ba, how’s that for a title, Trenta (dating katorse, bongga, di ba?)

    By the way, hindi bagay na kontrabida si Erich dahil sa true lang, yung guhit ng kanyang mga kilay at yung mga mata niyang matapang ay pangkontrabida talaga. She has been a kontrabida in m,ost of her roles at tumatak na yun. O di ba, mukhang hamonadang kontrabida lang si Erich something?

    Now, sasabihin ninyong siya’ng bida sa Katorse, pero sa true lang, mukha siyang kontrabida.

    By the way, para naman di kami maakusahng sobranf nega na sa Erich something na ito, how about an interview with Xian Lim na siya niyang leading man in Katorse?

    In good terms na raw ang sina Erich at Xian Lim.

    Sa mga ikinikilos at sweetness ng mga ito ay mukhang sila na.

    Kaya naman hindi namin naiwasang tanungin si Xian Lim kung kamusta na sila ni Erich?

    “Okey naman po kami ni Erich, happy ako pag kasama ko siya. Kasi masarap siyang kasama walang dull moments,” sabi ni Xian.

    “Nakaka-starstruck kasi ang ganda niya, habang tinititigan ko siya mas lalo pa siyang gumaganda, bukod pa sa napaka-sweet at bait niya,” nakangiting dagdag ng binata.

    Sa tanong kung may balak ba siyang ligawan ang dalaga.

    “Meron pero siguro may tamang oras at panahon para doon, sa ngayon kasi alam ko na naka-focus si Erich, especially now, na ito ‘yung biggest break na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN na solo project. Ganoon din naman ako na mas gusto ko ring bigyan ng oras ang career ko at saka na ang lovelife.

    “Pero who knows, baka mabalitaan ninyo na lang nililigawan ko na si Erich . Hahaha! Don`t worry kayo po ang unang makakaalam,” aniya pa.

    So there!



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here