Engineer patay sa riding in-tandem

    509
    0
    SHARE

    SUBIC, Zambales – Deadon -arrival sa pagamutan ang isang engineer makaraan itong pagbabarilin ng dalawang di pa kilalang suspek sakay ng motorsiklo sa Barangay Ilwas sa bayang ito.

    Kinilala ni Senior Inspector Jelson Dayupay, hepe ng Subic Police Station ang biktimang si Engineer Ray Londel Capati, 22, residente ng Norton St., Barangay New Kalalake, Olongapo City.

    Sa imbestigasyon ng pulisya, sakay si Capati ng kanyang Hyundai Accent na may conduction sticker MJ 4829 at habang binabagtas ang kahabaan ng National Highway ng Barangay Ilwas ay pinaulanan ito ng bala mula sa kalibre 45 baril.

    Ayon sa ilang testigo, nakarinig sila ng putok ng baril, at nakita din nila na nag-overtake pa ang gunman sa kanang bahagi ng kotse ng biktima at habang tumatakbo ang sasakyan ay binabaril ito ng mga suspek hanggang sa makarating ito sa gasolinahan kung saan ito nasukol.

    Nadamay din ang single motorcycle na pagmamay-ari ni Hermigildo Mendoza nang banggain ito ng motosiklo ng mga suspek na magkakarga ng gasolibna at tinangka pa ng mga suspek na agawin ito para gawing getaway vehicle.

    Nabatid sa ulat na galing mag-inspection sa Casa Mia subdivision project ang biktima sa Barangay Manggahan nang masundan ito ng mga suspek.

    Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang limang basyo ng kalibre 45 baril, helmet at plaka ng motorsiklo na 8186 RG na nakatago sa compartment ng motorsiklo na ginamit ng mga suspek sa pagpatay.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here