Elmo Magalona makikipagsabayan na

    289
    0
    SHARE
    Sa solo presscon ng kalilipat lang sa ABS-CBN na si Elmo Magalona, natanong siya kung kaya ba niyang makipagsabayan sa magagaling na Kapamilya actors at aniya, alam naman daw niyang marami pa siyang dapat matutunan pero ang lahat naman daw ay nadadaan sa training.

    “Everything naman comes with training, eh, so that’s what I’ve been working on. Like for Born For You (his first soap sa ABS-CBN), I’m gonna studying my role,” sabi ng anak ng yumaong si Francis Magalona.

    Pero more than makipagsabayan sa mga Kapamilya actors, ang mas importante raw sa kanya ay makapagdeliver.

    “At the end of the day, gusto kong mag-deliver talaga. I want to deliver my role,” he said.

    Malapit nang simulan ni Elmo ang Born For You ng Dreamscape Entertainment kung saan ay si Janella Salvador ang makakapareha ng young actor. Eere ang soap sa 2016.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here