EdPam: A true public servant

    529
    0
    SHARE

    Itong pagnanais ni Mayor Pamintuan
    ng Angeles city na mapaganda niyan
    at malinis pati ang kapaligiran
    ng siyudad na kanyang pinamumunuan

    Ay tinututukan ng husto ni Mayor
    ang napasimulan niyang ‘beautification’
    sa ‘heritage district’ ng parteng Poblacion,
    partikular na riyan ang Pamintuan Mansion

    Na ayon kay EdPam, itong ay gagawing
    “National Museum” na di lamang marahil
    higit pa sa gara ng pambansa nating
    Museo ang ganda nitong tataglayin

    Kapagka’ ito ay naayos nang ganap,
    pagkat lahat na ng mga makakalap
    na makasaysayang bagay o ‘artifacts’
    ay posibleng dito natin mamamalas.

    Dahilan na rin sa ang mansion naturan
    ay talaga naman ding makasaysayan
    kumpara sa iba pa nating minanang
    mga istraktura’t kulturang pambayan

    At ang “National Historical Commission”
    (Katuwang ang ating World Class City Mayor)
    is now transforming our historic mansion
    into a beautiful and productive museum

    Expected to attract from 5 to 10 thousand
    visitors or tourists, local and national;
    na tinatayang sa museong naturan
    daragsa sa loob lang ng bawat buwan.

    Kasama ang ‘green park’ nilang tinatawag
    na Plaza Angel sa ninanais agad
    maipatapos ng butihing city Dad
    bago sumapit ang APEC Summit sa Clark.

    Sa ‘monthly regular conference’ ni Mayor
    ‘with the local media’ ay personal nitong
    inatasan si City Engineer Dizon,
    na i-bulldozer ang poste ng Telecom

    Sa di pag-comply sa utos ng City Hall
    na tanggalin nyan ang mga poste nitong
    sagabal sa ‘on-going beautification’
    ng lungsod, ‘despite of formal demands made for’.

    Tama rin naman ang balak ng Alkalde
    na sabihan itong may bakanteng lote
    sa siyudad na gawing ‘productive’ nyan pati
    ang kanilang lupa hangga’t maaari

    Kundi ang city hall na itong gagawa
    ng kaparaanan upang mapasigla
    at maging makabuluhan ika nga
    ang alin mang ngayon ay ‘idle’ na lupa

    Na sakop ng siyudad, partikular itong
    nakaloob sa pinaka-Poblacion
    o ‘heritage district’ na isinusulong
    na maging kakaiba dito sa 3rd Region

    Ni Mayor Pamintuan na isa sa ating
    pinakamasipag at aktibo manding
    ‘local executive’ na maituturing
    nating ‘the best’ sa pag-ganap ng tungkulin.

    Na ang lahat na ng kayang ipaglingkod
    para sa kabalen at mga ka-lungsod
    ay ginagawa nyan ng taos sa loob
    at ng walang ano pa mang pag-iimbot

    Na pangsarili niya sa posisyong tangan
    kundi ng malinis na panunungkulan
    na laang sa siyudad ipagsilbing tunay
    sa lahat ng oras – bilang ‘public servant’!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here