Eat Bulaga celebrates 35th year

    91
    0
    SHARE

    NANG minsan kaming mapasyal sa “Eat Bulaga,” nakita namin kung gaano ka-close sa isa’t isa ang mga hosts ng programa mula kina Vic Sotto, Sen. Tito Sotto, Joey de Leon, Jimmy Santos, Allan K, Ruby Rodriquez, Ryan Agoncillo, Julia Clarete, Michael V, Isabelle Diaz, Anjo Yllana at ang child superstar na si Ryzza Mae Dizon. Para talaga silang isang pamilya.

    Wala roon sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros dahil naka-assign sila sa labas. Nang matapos ang programa, nagulat kami kay Tito Sen (Sen. Tito Sotto) nang siya mismo ang magligpit at magbuhat ng kanyang mga gamit. Inakala kasi namin na meron siyang production assistant na siyang gagawa nito.

    “Ako rin ang nagda-drive,” aniya. Bibihira sa isang kilalang personalidad ang tulad ni Tito Sen na walang dalang driver at alalay sa kanyang mga lakad. “Sanay na ako nang ganito,” lahad pa niya.

    “Eat Bulaga” is the longest-running noontime show on local television now on its 35th year.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here