Magkasunod na isinaggawa ang paggunita sa Earth Hour at Philippine Water Week noong Sabado at Linggo, ayon sa pagkakasunod.
Ang tanong, ano ang naunawaan ng mga tao sa mga hakbang na ito na kapwa naglalayong mapangalagaan ang kalikasan.
Maraming shoppers ng SM City Marilao ang lumagda sa Earth Wall na itinayo sa bukanan ng mall noong Sabado ng hapon hanggang gabi. Ito ay bilang pakikiisa sa Earth Hour kung saan ay pangunahing layunin ang makatipid sa kuryente.
Marami din ang nakiisa sa pagpatay ng kanilang mga ilaw sa loob ng isang oras noong Sabado ng gabi. Pero hindi iyon sapat.
Balewala ang pagpatay ng ilaw sa mga bahay o tanggapan sa loob ng isang oras kung iyon ay minsan lamang sa loob ng isang taon gagawin.
Dapat ay maging regular na gawain iyon. Halimbawa, araw-araw o gabi-gabi ay isang oras mong papatayin ang lahat ng ilaw at kagamitang de kuryente sa inyong tahahan o opisina.
Kung makikiisa ang 3-Milyong Bulakenyo sa pagpatay sa kanilang mga ilaw sa loob ng isang oras araw-araw sa loob ng isang taon, sa palagay ninyo ay gaano kalaki ang matitipid sa kuryente?
Hindi ko alam kung gaano karaming kuryente ang matitipid, pero sa kalkulasyon ko, aabot sa 1,095,000,000 oras ang matitipid sa loob ng isang taon ng 3-M Bulakenyo.
Halimbawang sa isang oras ay limang kilowatt na lamang matipid at iyon ay may halagang P2 bawat kilowatt, magkano ang halaga nag matitipid ng 3-M Bulakenyo.
Hindi ko na mabilang, ang daming numero. Pero ito ang lumabas sa kalkulasyon ko: Halos P11-Bilyong piso o P10,950,000,000. Ito ay halos kasing halaga ng panukalang P11-B Bulacan Bulk water project.
Sa madaling salita, magkakaroon lamang ng kahulugan at halaga ang programang Earth Hour noong Sabado kung iyon ay regular nating gagawin bawat araw.
Sa sitwasyong ito, sinimulan sa Bulacan ng SM City Marilao ang pagtitipid sa gawain, marapat lamang na ito ay maging bahagi n gating araw-araw na buhay.
Gayundin sa isinagawang paggunita sa Philippine Water Week kung saan ay isinagawa sa Prenza Dam sa Marilao ang culminating activity noong Linggo kung saan ay muling nagtulong-tulong ang mga Bulakenyo upang linisin ang basurang naipon doon.
Magagawa ng Bulakenyo na malinis ang basura doon bawat araw, pero kailangan mamulat ang isipan ng bawat isa sa pagsisinop ng basura.
Sabi ni Environment Secretary Lito Atienza, hindi na ilog ang upstream ng Marilao river, isa na iyong open dumpsite, dahil sa tone-toneladang basurang nakatambak.
Ayon pa kay Atienza, nagdeteriorate pa daw ang ilog, dahil noong 2007 ay napabilang iyon sa 30 dirtiest places in the world. Ngayon, plain open dumpsite na.
Sabi pa ni Atienza, sasampahan na nila ng kaso ang mga alkalde at local officials na di magpapatupad ng mga batas pangkalikasan tulad ng Clean Air Act. Clean Water Act, Solidwaste Management Act.
Wow, ang galing magsalita! Ang tagal namang kumilos.
Noong 2007 pa nagbanta ng ganyan si Atienza, pero ano ang nangyari?
Hindi pa ba sapat na ebidensya ang tone-toneladang basura sa Prenza Dam para totohanin nila ang pagsasampa ng kaso?
Ang mga basurang naipon sa Prenza Dam ay malinaw na resulta ng kawalan ng implementasyon ng batas pangkalikasan. Kaya ang banta ni Atienza ay hindi na bago.
Ang tanong, may political will ba si Atienza para ipatupad ang kanyang banta?
Ano kaya ang gagawin ni Atienza sa mga kupitan este, kapitan ng barangay, at iba pang lokal ba ipisyal, este, opisyal?
Kasuhan din kaya niya? Kung hindi, mas mabuti sigurong si Atienza na ang ang mag-resign sa tungkulin dahil lumalabas na wala namang nakikinig at sumusunod sa kanya.