Duterte na marahil

    754
    0
    SHARE
    KUNG ganyang gaano man yata katindi
    ang ibato laban kay Mayor Duterte
    ng opponents n’yan sa pagka-Presidente,
    ay siya pa ring sa survey, No. 1 bale.

    At kung saan imbes bumaba ang ‘rating’
    ni Digong sanhi ng mga samut-saring
    paninira, pero siya’y nananatiling
    matatag at saka nangunguna pa rin.

    Iyan ay senyales na ang butihing Mayor
    ng Davao city ang siyang napipintong
    mananalo sa darating na eleksyon;
    At makakapalit ni Pangulong PNoy.

    Posible rin namang si Grace Poe ang siyang
    mangibabaw kapag hindi tinantanan
    ni Mayor Duterte ang mga salitang
    kasabiha’y biru-biro lang kung sanlan

    Pero maaaring ang dating ay iba
    sa di lang kakaunting tagatangkilik niya;
    at kung saan sanhi n’yan baka di na siya
    dadalhin o kaya ipangangampanya.

    Si Binay, nang dahil sa di niya pagdalo
    sa ‘hearing’ na dapat ay harapin nito
    diyan sa ‘Senate’ ay malayong manalo
    pagkat ang dami niyang nakabimbing kaso.

    Si Roxas, nang dahil sa ‘Tuwid na Daan’
    ni PNoy na lubos niyang inasahang
    magdadala sa kanya sa Malakanyang,
    baka ni ang ‘3rd place’ ay di makuha niyan.

    Dala na rin nitong ang sinakyang bangka
    ni Mr. Palengke, na inaakala
    niyang sakdal tatag ay magiwang na nga
    sanhi ng ang dating Bankero’y pabaya.

    Hinayaan niya na palutang-lutang
    ang bangka sa gitna ng dagat-dagatang
    nundo ng nakawan at katiwalian,
    bunsod ng sarili niyang kahinaan.

    Sa puntong yan kung di na magbabago pa
    ang ‘ratings’ at/o ang pinal na resulta
    ng mga ‘surveys’ na lumalabas tuwina
    ay posibleng si Duterte na talaga

    Ang susunod nating magiging pangulo
    na lubhang kakaiba ang kanyang estilo,
    kaysa ibang tradisyonal na pulitiko
    na tuwing halalan lang ‘visible’ sa tao.

    At kapag pinalad mahalal ay di na
    makapa saan man para lapitan siya,
    Dala nitong sila’y ilag magpakita
    sa nanghihingi ng tulong sa kanila.

    Na sila rin naman ang bale kapural
    ng ganyang estilong sila kadalasan
    itong sa ‘botante’ kusang namimigay
    ng pera para lang sila maihalal.

    Pero sa eleksyong yan sa Mayo nuebe
    na ang maglalaban ay sina Duterte,
    Grace Poe, Binay, Miriam at Mr. Palengke,
    malamang ngayon pa lamang mangyayari

    Sa kasaysayan ng bansang Pilipinas,
    na ang uupo sa pinakamataas
    na puwesto ang tanging pinakamahirap,
    kapag si Duterte ang naging mapalad!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here