Dump truck, sinunog

    121
    0
    SHARE

    STA CRUZ, Zambales – Natupok ng apoy ang isang dump truck na siyang ginagamit sa operasyon ng minahan ng ito ay sunugin ng mga hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army sa Barangay Bangcol sa bayang ito tatlong araw bago magpasko.

    Ayon sa salaysay ng driver ng truck na si Rolando Feliciano, 43-anyos at residente ng Que Grande St. Barangay Ugong, Valenzuela City, alas 7:00 ng gabi ng makisakay sa kanilang truck (UEF-270) ang dalawang kalalakihan sa Barangay Canaynayan patungo sa bayan ng Sta Cruz.

    Subalit pagsapit sa Barangay Bangcol, nagpakilalang NPA ang dalawang suspek kasabay ng pagtutok ng baril sa driver at pahinante nito.

    Sa lugar din sinunog ang truck kung saan may 15 miyembro ng umanoy NPA ang naghihintay na pawang armado ng matataas na kalibre ng baril at saka sinimulan silaban ang dump truck.

    Sa imbestigasyon ng ng pulisya ang truck ay pag-mamayari ni Adoracion B. Paulino Enterprise.

    Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang kapulisan sa motibo ng panununog, habang ang mga tauhan ng Provincial Public Safety Mangement Company at 24th Infantry Battalion ng Philippine Army ay tinutugis ang mga rebeldeng nagsipagtakas.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here