Diskarteng ala-“Tokhang”?

    430
    0
    SHARE

    KAPANSIN-PANSIN na ang biglang pagsirit
    ng kriminalidad sa ating paligid,
    partikular na sa parteng Metropolis
    at sa ilang ‘tickly populated cities’.

    Na kung saan hayan mga pulis mismo
    ang itinuturong mastermind diumano
    ng ‘kidnap for ransom’ at iba pang gulo
    na nangyayari r’yan sa panahong ito.

    At ang animo ay ginawang pangubli
    Ng ilan ay itong ‘drive’ ni Presidente
    ‘against illegal drug’ kung kaya marami
    itong basta na lang itinumba pati?

    Dala na rin nitong madaling sabihin
    na si ganito ay ‘pusher’ at ‘user’ din,
    kahit pa ma’t basta na lang yan binaril
    nitong kung siyang may galit na lihim!?

    Ang pinangalanan nilang ‘Oplan Tokhang’
    ay walang masama sa ating palagay,
    pero sa isang banda ay hindi mainam
    kung sa ibang bagay gagawing sangkalan.

    Tulad na lamang ng ginawang pag-kidnap
    ng pitong pulis sa ‘Korean nationals’
    diyan sa Angeles city ay nagpanggap
    silang ang target nga nila’y ‘illegal drugs’?

    Subalit ang tunay na paksa ng grupo
    ay dukutin nila’t ipatubos ito
    sa kapamilya ng multi-milyong piso?
    (pero pinatay din n’yan ang Koreano!)

    Kaya tama lang ang ginawang pagsibak
    ni Chief Superintendent Aquino sa lahat
    ng naturang pulis na magkakasabwat,
    kung saan ‘one is now presently behind bars’.

    Tama lamang na ya’y igisa ng husto
    ng D.O.J. at/o ng ating Husgado,
    at kapag tunay ngang nagkasalang piho
    ng kasong ‘murder’ ay sa Munti ipuesto!

    At kung sa oras na aking sinusulat
    ang isyu hinggil sa pulis na kumidnap
    kay Ick Joo Jee, ay di pa nasisibak,
    yan kay Mayor EdPam na natin pasibak

    Kasama na pati ibang kapulisan,
    na bagamat hindi sakot sa kasong yan,
    ya’y di na maaring manatili riyan
    sa Angeles City sa puntong naturan.

    Dala nitong syempre ‘por delicadesa,’
    kundi man ika sila’y di kasama
    ng pito katao na pinatalsik na,
    sila’y kusa namang magdimitir sana

    O hilingin nilang sila ay ilipat
    ng ‘place of assignment’ ng nakatataas
    nilang hepe, gaya ng napakasipag
    na si sir Aaron, na mahal ng lahat.

    At di tulad nitong hindi makuntento
    sa kung anong dapat na tanggaping sueldo,
    kaya nakukuhang pag-intrisan nito
    ang pera ng kapwa para maging mucho.

    Bakit nanaising ang kuwarta ng iba
    ay mapasa’ inyo at papatayin pa
    ang biktima kahit yan ay tinubos na,
    kahit sa inyo’y wala namang utang sila?

    O yan ay dala ng sobrang kasuwapangan
    kaya nagagawa nilang magpayaman,
    sa pamamaraang di makatarungan
    at kasumpa-sumpang kalapastanganan?!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here