Disinfection sa mga sasakyan papasok, palabas ng Minalin

    114
    0
    SHARE
    MINALIN, Pampanga —- Pinapahinto at iniisprayan ng disinfectant ang mga sasakyan na papasok at lalabas sa bayang ito upang makatiyak na hindi sila mapapasok ng avian infl uenza o bird flu na puminsala sa bayan ng San Luis, Pampanga.

    Ayon kay Norma Supan, mahigpit nilang pinatutupad ang nasabing proseso ng 24 oras mula nang pumutok ang bird flu outbreak sa San Luis.

    Ayon naman kay Jenny Agcanas, bukod sa mahigpit na pagsunod sa bio-security ng mga poultry at mga egg hatcher sila din ay nagsasaksak ng mga bakuna sa mga alaga nilang layer na manok nang sa gayon ay maiwasan ang pagkakasakit ng mga manok.

    Pinapanatili din aniyang malinis ang kapaligiran kung saan nila nagsasagawa ng quality control para sa mga ibebentang itlog.

    Aminado silang naapektuhan ang kanilang hanapbuhay at 30 porsiyento na bumaba ang kita sa kabila ng hindi naman sila kasama sa quarantine area.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here