Home Opinion Di tayo alipin ng sinuman para diktahan

Di tayo alipin ng sinuman para diktahan

2059
0
SHARE

May karapatan ba itong si Xi Jinping
ng Tsina, na ikasakit ng damdamin
ang simpleng pagbati ng Pangulo natin
kay Taiwan ‘president elect’ na si Lai Ching?

Kung saan sa ating Ambassador mismo
d’yan sa Beijing pinarating kay Pangulo
ang isang bagay na direktang insulto
sa lahat ng mamamayang Pilipino!

Na panghimasukan ang mga opisyal
at personal nating pakikipag-ugnayan
sa alin mang bansa, tulad ng sa Taiwan
na maituturing nating kapit-bahay.

Anong masama sa pagbati ni Bongbong
kay Lai Ching, gaya lang ng ‘Congratulations’?
Di niya kaaway ang alin mang pangulong
nakasasakop sa bawat isang nasyon.

At kahit na ‘yang si president Xi Jinping
di natin kaaway na maitututing
kahit madalas ang trato nyan sa ating
mga mangingisda ay sipa-sipain.

Sakop man natin ang pinagtatalunang
parte ng dagat na ating pangisdaan,
na gustong solohin, tayo’y kampante lang
at nananahimik para walang away.

At itong patuloy na pamimihasa
ni Xi Ping sa atin medyo maalab na
ngayong pati na rin ang itinalaga
ng batas sa dagat nilalabag niya.

Bagama’t mayroong ‘international law
on the sea,’ si Xi Ping itong may malabnaw
na pangangatuwiran at maling pananaw
sa ganang ating sariling obserbasyon.

Kung saan at di rin malayong pati na
iba pang parte rin marahil ng Asia,
pagkapilitan ding masakop n’yan basta
‘including ours’ kapag di tayo umalma!

Kaya nga para di dumami ng husto
ang bilang ng mga dumarayo rito
para maging POGO workers’ sa Casino;
‘Stop -’ ang lahat na ng uri ng bisyo.

At ang sino pa mang dito magkasala
hg ‘heinous crime’ gaya r’yan ng sa droga,
bitay kaagad ang dapat na parusa,
para maging patas, tulad ng kanila.

Kapagka Chinese ang mahulian dito
ng kahit na isang toneladang Shabu,
‘deportation’ lamang ang parusa rito,
Kaya bale wala lang sa mga ‘Chino’.

Pero kapag tayo itong mahulian
ng droga sa China, kahit katiting lang,
‘ten years’ sa kulungan, pagkatapos bitay;
kaya pag-sarhan na sila ng pintuan!

Nang di maging daan sa lalong pagdami
ng mga kampon Xi Jinping sa sarili
nating Inangbayan upang di magsisi
pagdating ng araw sa pamumulubi!~

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here