Di lang ‘Pambansang Wika’

    285
    0
    SHARE
    Ng pagsusulat o kaya ng paglikha
    Ng mga tulain na sariling akda
    Nitong mga batang iskwela, magmula
    Grade school, high school at nakatatanda.

    Kung saan bukod ang mga propesyonal
    O hati sa tatlong grupo ang naglaban
    Sa iisang paksang bibigyan ng buhay
    Ng mga kalahok sa ‘ting paligsahan.

    At kung saan bago pa man magsimula
    Ang tagisan n’yan ng galing sa paglikha
    Ng tulang kami ang nagbigay sa paksa,
    Ni-‘lecture’ namin ang lahat pati bata.

    Tungkol sa ilang mga mahalagang sangkap
    Ng tula, gaya ng magkatunog dapat
    Ang mga salita sa gawing pangwakas
    Ng bawat linya at saka tamang sukat.

    Na naging maganda naman ang resulta
    Ng “Ligligan Pamanyulat Poesia”
    Dahil iilan lang ang di nakakuha
    Ng ‘passing grade’ kung sa eksamin kumbaga.

    At dahil hindi lang ang ‘Buwan ng Wika’
    Ang marapat bigyan ng pansin ika nga,
    Kundi pati ating sariling Salita
    At/o katutubong Sabi halimbawa;
     
    Ang “Provincial Language Council” ng Pampanga
    Ay nagtakda ng sariling araw niya
    Ng pagdiriwang para sa ‘ting probinsya,
    At “Last Friday of August” ang atin tuwina.

    Ito ang isa sa ating isinulat 
    Na ‘guide piece’ sa ginanap na patimpalak,
    Upang magkarun ng idea ang lahat
    Kung paano ba ang tamang pagsusulat.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here