Derrick Monasterio model ng mga kabataan

    447
    0
    SHARE

    FORMALLY na nag-sign last August 16 si Derrick Monasterio bilang youth advocate ng Drug Abuse Prevention and Control project ng National Youth Commission.

    Napili si Derrick ng NYC, ayon kay Commissioner Earl P. Saavedra, bilang perfect choice to be their youth advocate. Ayon kay Com. Saadvedra:

    “We know that Derrick’s character is definitely a good image of a typical Filipino youth. He is an example of somebody who shows to the young how they must conduct themselves. Magaling si Derrick in terms of talent, magaling siya in terms of pakikipaghalubilo.

    Yun ang gusto natin sa isang kabataang Filipino. May proper appreciation of values and may proper appreciation of the righteousness that they have to bear within themselves."

    Makakasama si Derrick ng iba’t ibang youth leaders sa bansa para isakatuparan ang advocate laban sa youth drug abuse.

    Naniniwala ang NYC na  mai-inspire  ni Derrick ang 27.8 million youth sa bansa na umiwas sa ipinagbabawal na gamot. Bagkus, tularan nila ang tulad ni Derrick na ginugugol ang kabataan sa mga makabuluhang  bagay.

    Kahit busy sa taping at shootings bilang artista, may panahon pa rin si Derrick sa pag-aaral.

    Busy ang actor ngayon bilang isa sa lead stars ng “Luna Blanca” kung saan parther siya ni Barbie Forteza.

    Ani Derrick:  "Feeling ko po nabigyan ako ng napakalaking responsibi-lity at syempre I will do my best para ma-meet ‘yung expectations nila, gagawin ko po ang lahat para makatulong sa pagpapahinto ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot, lalo na sa kabataan."

    Samantala, lalong kasabi-sabik ang mga eksenang aabangan sa “Luna Blanca” sa susunod na mga araw. Kasama nina Derrick at Barbie rito sina Bea Binene at Kristoffer Martin.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here