Derek Ramsay universal leading man

    83
    0
    SHARE
    PARA kay Derek Ramsay, isang karangalan na  mabigyan  siya ng titulong Universal Leading Man.

    Aminado kasi si Derek na katumbas nito ay ang pressure rin para sa kanya dahil alam niyang maraming mga bagay na dapat pang patunayan. 

    Si Derek ang leading man sa  pinakabagong teleserye ng Dos na Habang May Buhay katambal si Judy Ann Santos at siyempre, proud si Derek na maging bahagi ng teleserye.

    At gaano man ka-hectic ang sked ng aktor, he makes sure na may panahon sila ng nobyang si Angelica Panganiban to be together.

    Maraming intrigang umiikot sa relasyon nina Derek at Angelica at tina-nong namin siya kung paano nila napapanatiling maayos ang kanilang samahan sa kabila ng mga intriga.

    “Hindi na lang namin pinapakinggan ang mga intriga, we just enjoy.  Dati nagseselos pa siya pero ngayon hindi na,”  say ni Derek.

    Hanggang ngayon ay hindi pa rin  mamatay-matay ang isyu sa kanila ni Jinkee Pacquiao. Naging usap-usapan  ito after niyang mag-guest sa isang  mall sa GenSan and since then, pilit na siyang iniuugnay sa asawa ni People’s Champ Manny Pacquiao.  May lu-mabas pang balita na mismong si Jinkee pa raw ang naghatid ng rubber shoes kay Derek.

    “May show ako sa GenSan, nandoon din sila sa mall. Inilibot nila ako sa GenSan. Kasama ko pa nga ang road manager ko that time. Bumili ako ng  rubber shoes ni Manny. Kasi ang taping namin ay doon sa may lugar nila,” depensa ni Derek.

    Crush daw siya ni Jinkee. Ano ang masasabi ni Derek?

    “There’s nothing wrong with a crush!”

    Ano naman ang komento ni Angelica sa isyu tungkol sa kanila ni Jinkee?

    “Wala. Dedma siya,” simpleng sagot pa ng guwapo at simpatikong si Derek.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here