Angel Locsin hindi true na lumipat na kay Boy Abunda

    96
    0
    SHARE
    DIRETSAHANG sinagot ng king of talk na si Boy Abunda ang isyu na siya ang papalit bilang  manager ni Angel Locsin.

    Ang aktres ay nasa pangangalaga ni Becky Aguila at  hindi pa rin malinaw  kung ano na ang estado ng kanilang manager-talent relationship dahil na rin sa mga kumakalat na balitang  naghahanap na si Angel ng  bagong manager.

    Last Tuesday ay dumaan kami sa studio ng SNN (Showbiz News Ngayon) at doon ay agad naming tinanong si Tito Boy tungkol sa isyung ito.

    “Alam mo, kahit ako ay nabibigla sa mga luma-labas na ‘yan. Nu’ng marinig ko ‘yan, nagulat ako dahil walang pinanggaga-lingan. Hindi kami nag-uusap ni Angel. I haven’t seen Angel for a long time. We haven’t talked. I haven’t spoken to Becky. So, ibig sabihin, may mga usapan kasi na may pinanggalingan, either sa biro, nagkausap, nag-kasalubong. Ito, wala. So, nang sinabi sa akin ang tungkol dito, I was shocked. I was surprised,” bungad ni Tito Boy sa amin.

    Aminado si Tito Boy na he likes Angel at talagang espesyal ang  aktres sa kanya.  Pero aniya, ‘di naman siya nanunulot lalo na sa kasamahan sa PAMI.

    “Kung sa PAMI halimbawa, may mga artistang lumalapit sa akin na i-manage ko, itatanong ko muna na (sa manager na  concerned) kung ano  ba ang problema ninyo,  blah, blah.  Kung acceptable sa akin ang dahilan, magpapasintabi ako.

    “With Becky, even if she’s not a member of PAMI, she’s a friend naman. Kung halimbawa, magpadala ng feelers sa akin si  Angel at interesado ako, kakausapin ko muna si Becky.”

    Dagdag pa ni Tito Boy: “A manager should always be ready that a talent will go. Ang sinasabi ko lang ay, that’s the nature of the job. Isa sa mga dahilan kung bakit ayoko ng may mga kontrata. Kasi, the option to leave should not only belong to the artist. The option  to leave should also belong to the manager. Nakagugulat lang ‘yung balita tungkol kay Angel kasi nga,  walang  pina-ngagalingan. But I really adore the girl. She’s somebody special to me.”

    Sa ngayon, tahimik pa rin ang kampo ni Angel tungkol sa isyung ito. Pati tuloy kami ay curious kung ano nga ba ang totoo sa pagitan nina Angel and Tita Becky at kung paanong nadadamay ang pangalan ni Tito Boy. 

    Pero ang maliwanag sa panayam namin kay Tito Boy, ayaw pa niyang i-manage si Angel.



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here