Death threats?

    1285
    0
    SHARE

    Di ko ninanais sabihing gimmick lang
    Ng isang kandidatong para Congressman
    Ang siya’y may ‘death threat’ pagkat baka naman
    Ito’y nagsasabi ng katotohanan.

    Pero kahit pa man totoong may banta
    Ang dati’y kasangga ng supling ng Baba,
    Syempre iba’t-iba r’yan ang haka-haka
    Nitong sa isyu ay di naniniwala.

    Lalo’t itong magagaling kumilatis
    Sa kalakaran ng maruming politics,
    Pagkat ang ganitong bagay na nabanggit
    Ay karaniwan na nating naririnig.

    Dahilan na rin sa madaling sabihin
    Ninuman ang siya ay balak patayin
    Sa pamamagitan na rin ng sariling
    Pamamaraan o gustong palitawin.

    Gumawa ka lang ng sulat pagbabanta
    At lakipan mo ng bala at/o kaya
    Ng itim na bagayay maniniwala
    Na ang iyong mga kaututang-dila.

    Subalit sa panig ng katunggali n’yan
    Iisa ang bukod tanging kasagutan,
    Na ang naturan ay gawa-gawa lamang
    Nitong isa para ang mata ng bayan

    Ay sa kanya lubos mabaling kumbaga
    Upang manapa ay kaawaan siya
    At ang suporta ng marami’y sa kanya
    Pumisan sa puntong argabyado siya?

    Dangan nga lang hindi garantya ang ganyan
    Para makuha ang damdamin ng bayan,
    Dala na rin nitong marami na riyan
    Ang mulat sa iba’t-ibang pamaraan

    Para palabasin na sila ay nasa
    Panganib kung kaya kailangan talaga
    Nila ang sapat na ‘bodyguard’ anila
    Sa kapanahunan ng pangangampanya.

    Kaya lang, sa panig naman ng kalaban
    Ay di maganda ang epekto kung minsan
    Ng ganitong para ka lang sumikat diyan,
    Ikaw ay gumawa ng kababalaghan!

    Pagkat di malayong ikawrin ang una
    Na maaring pagbintangan nitong isa,
    Bunsod syemprel nitong wala namang iba
    Namaaringpag-isipan ng lahat na.

    D’yan posibleng magkasala ng malaki
    Ang ating congressman sa ‘civil society’
    Kapag di naging maingat sa pagsabi,
    O ang hinalain ang ngayo’y Alkalde

    Ng kilalang lungsod ang puedeng umakda
    Ng ganitong klase r’yan ng pagbabanta,
    Dahilan na rin sa napakadakila
    At napakabuti niya para gumawa

    Ng ganito para lang nito talunin
    At ibaba yan sa hawak na tungkulin
    Dala na rin nitong sa taglay na galing,
    Ay marami siyang maaring marating

    Liban sa dati na niyang hinawakan,
    Ay may mapaglagyan s’ya sa Malakanyang;
    Kaya imposibleng para manalo lang
    Ay takutin nito ang kanyang kalaban!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here