De-kalidad na mga pelikula maglalaban-laban sa 28th Star Awards

    544
    0
    SHARE

    Lumabas na ang nominasyon para sa 28th PMPC (Philippine Movie Press Club) Star Awards for Movies.

    Twenty-eight awards ang ipamamahagi ng PMPC para sa iba’t ibang kategorya.

    Ang mga nominado para sa major categories ay ang mga sumusunod: Movie of the year, nominess ang Ang Panday 2, Aswang, In the Name of Love, Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story, No Other Woman, The Road at My Neighbor’s Wife.

    Sa digital movie of the year, pasok ang mga pelikulang Ang Babae sa Septic Tank, Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa, Ikaw ang Pag-ibig, Patikul, Sa Ilalim ng Tulay, Niño at Thelma.

    Sa movie director of the year, nominees sina Tikoy Aguiluz (Manila Kingpin:  The Asiong Salonga Story), Mac Alejandre (Ang Panday 2), Ruel Bayani (No Other Woman), Olivia Lamasan (In the Name of Love), Jun Lana (My Neighbor’s Wife), Yam Laranas (The Road) at Jerrold Tarog (Aswang). 

    Nominado naman sa kategoryang Digital Movie of the Year sina Marilou Diaz –Abaya  (Ikaw Ang Pag-ibig), Loy Arcenas (Niño), Earl  Bontuyan (Sa Ilalim Ng Tulay), Joel Lamangan (Patikul), Marlon Rivera (Ang Babae Sa Septic Tank), Paul Soriano (Thelma ), at Alvin  Yapan ( Ang Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa)

    Sa Best Actress category ay maglalaban-laban sina Ai  Ai  Delas Alas (Enteng Ng Ina Mo),  Anne Curtis (No Other Woman), Eugene Domingo (Ang Babae Sa Septic Tank ), Angel Locsin (In The Name of Love), Lovi Poe (My Neighbor’s Wife.), Maja Salvador (Thelma) at Judy Ann Santos (My Househusband).

    Ang mga nominees naman for Best Actor ay sina Ryan Agoncillo (My Househusband), Dingdong Dantes (Segunda Mano), Jeorge Estregan (Manila Kingpin: The  Asiong Salonga Storyl), Martin Escudero (Zombadings), Aga Muhlach (In The Name of Love), Derek Ramsay (No Other Woman ), Jericho Rosales (Yesterday, Today and Tomorrow).

    Ipagkakaloob  kay Eddie Gutierrez ang  Ulirang Artista Lifetime Achievement Award  at si  Direk Marilou Diaz-Abaya ang  tatanggap ng  Ulirang Alagad sa Likod ng Kamera.

    Ang Airtime Marketing, Inc., sa pamumuno ni Ms. Tess Celestino, ang producer ng 28th Star Awards For Movies na gaganapin sa Meralco Theater, Ortigas Ave., Pasig City, sa March 14, Miyerkules. Sa kauna-unahang pagkakataon, mag-uumpisa ang  naturang parangal ng eksaktong alas-5 ng hapon.

    Si direk Al Quinn ang magdidirehe ng awards night na ang airing ay mapapanood sa ABS-CBN sa March 18, 10 p.m. Ang mga hosts ay sina Sarah Geronimo, Kc Concepcion at Derek Ramsay.

    Mainit ang bulung-bulungan na nagdesisyon na umano si Derek Ramsay na lumipat sa TV5 at ang first project niya umano sa Kapatid network ay ang The Amazing Race.

    Nang huli naming makausap si Derek some weeks ago, pa-expire pa lang ang kontrata niya ng Pebrero sa ABS-CBN kaya aniya, magdedesisyon siya once na nag-expire na ito.

    Aminado siyang may offer sa kanya ang TV5, pero kaagad niyang nilinaw na kung sakali mang magdesisyon siyang lumipat, ito ay hindi dahil sa pera.

    “Two years ago, nilapitan na ako (ng ibang channel) with a big offer, bigger than the offer that they made, and I showed my loyalty by staying and not even asking me to match or give me half of what they were giving me.

    “So, ipinakita ko na ang loyalty ko sa ABS-CBN. Alam nila ’yun. Ang laki ng in-offer sa akin two years ago and hindi ko nga sinabi, hindi ko nga hiningi ’yung kalahati nu’n,” sey pa ng aktor.

    Nabanggit din ni Derek na kasama niya sa pagdedesisyon ang pamilya at girlfriend na si Angelica Panganiban.

    Nabanggit na nga rin daw niya kay Angel ang tungkol sa offer ng TV5 at ang sabi lang daw nito sa kanya ay kung saan siya magiging happy, go for it.

    Hindi kaya pati si Angel, ma-influence niyang lumipat kung sakali?

    “Angel and I never get our careers mixed up. That would be bad for our relationship.

    Kung may offer sa kanya na lumipat, she definitely won’t influence me to move and I wouldn’t be the same for her, and siya naman, nag-sign na siya sa ABS-CBN and matagal na yata siya sa ABS-CBN.

    “Well, if she asks for my advice, I’ll give my advice, but who am I to give advice to her? She’s been in the industry 16 years, I’ve only been in the industry five or six years, she knows a lot more than me,” pahayag pa ng aktor.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here