Sa pagtaas ng insidente ng patayan, PPOC meeting ipatatawag ni Alvarado

    554
    0
    SHARE

    LUNGSOD NG MALOLOS – Anumang araw mula ngayon ay nakatakdang ipatawag ni Gob. Wilhelmino Alvarado ang Provincial Peace and Order Council (PPOC) ng Bulacan bilang tugon sa tumataas na insidente ng krimen sa lalawigan.

    Ayon kay Alvarado, ipinabatid sa kanya ng panlalawigang tanggapan ng pulisya na bumaba pa ang bilang ng krimen na naitala sa Bulacan sa unang dalawang buwan ng taon.

    Ngunit hindi siya kumbinsido sa paunang ulat na ito, dahil tumataas din ang bilang ng mga krimen na hindi nasosolusyusnan.

    “Bumaba daw ang crime rate, pero ang problema ay walang solusyon,” ani ng punong lalawigan sa isang panayam noong Lunes ng hapon.

    Iginiit pa niya na ang mga naitalang krimen sa lalawigan sa nagdaang halos 60 araw ay pawang mga mapaghamon.

    “Nagiging very bold ang mga kriminal, maraming kaso na ginawa in broad day light.  Hindi pupuwede ang ganyan, dapat matigil iyan,”ani Alvarado.

    Sa panayam,sinabi ng gobernador na sa magpapatawag siya ng pulong para sa PPOC sa loob ng linggong ito.
    Ito ay bilang tugon na rin sa tumataas na pangamba ng mga Bulakenyo, partikular na ang mga negosyante.

    Isa sa binanggit ni Alvarado ay ang pamamaslang kay Cristina Roxas, isang negosyante sa bayan ng
    Paombong na binaril at napatay habang nakasakay sa isang pampasaherong jeepney di kalayuan sa bakuran ng kapitolyo bandang alas 11 ng umaga noong Enero 25.

    “Kinausap na ng mga taga Paombong, pati yung mga taga-San Miguel na dumarami na raw ang mga napatay sa kanilang lugar pero hindi nasosolusyunan,” ani Alvarado.

    Matatandaan na noong Pebrero 6, dalawang kasama ni John Alvarez, kapitan ng Barangay Sta. Ines sa bayan ng San Miguel, ang napatay matapos pagbabarilin ng dalawang pulis, kabilang ang isang close in bodyguard ni Mayor Eric Tiongson ng nasabing bayan.

    Itinanggi ni Tiongson ang pagdadawit sa kanya sa nasabing pamamaslang sa kabila ng pagsasampa ng kaso sa kanyang close in bodyguard kasama ang dalawa pang pulis at dalawang hindi pa nakikilalang sibilyan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here