Danita Paner naiipit sa alitan nina Annabelle Rama at Daisy Romualdez

    490
    0
    SHARE

    Hindi kaya si Danita Paner ang naiipit sa away ng manager niyang si Annabelle Rama at niya?

    “Ilang beses na naman silang nagkagalit pero nagkabati rin, so I’m just praying na magkabati na sila uli soon para hindi ako maipit,” sabi niya sa mini-presscon hosted by Annabelle for her new show, ‘Isang Dakot na Luha’, that starts airing today at 4:15 p.m.

    “In fairness kay Mommy, hindi naman niya ako sinasabihang umalis na sa pagma-manage ni Tita Annabelle. At hindi rin naman ako aalis kasi malaki talaga ang naitulong ni Tita sa’kin.

    From nowhere, naipasok niya ako sa TV5 and I did ‘Driver Sweet Lover’ and ‘Bangis.’  Now, heto naman ako sa pioneering afternoon soap nilang ‘Isang Dakot na Luha.’

    “Ngayon lang ako magdadrama kaya kinakabahan ako. ‘Sweet Lover’ kasi is comedy and ‘Bangis’ is action-adventure. 

    To prepare for my role in ‘Isang Dakot na Luha’ as the eldest sa family na pinamigay ang mga kapatid niya after mawala ang parents naming sina Alice Dixson and Jay Manalo, nag-acting workshop ako with my leading man, Edgar Allan Guzman, kay Ms. Anne Villegas.

    Marami kasing eksena ng iyakan at ayokong mapagalitan ng direktor namin, si Eric Quizon, if I would fail to deliver sa drama scenes.”

    Totoo kayang madali lang siyang nakaiyak sa mga eksena ay dahil apekatado siya sa mga kabiguan niya kina Kean Cipriano and JC De Vera.

    “Oo nga, marami akong paghuhugutan,” natatawa niyang sabi. “Two years kami ni Kean and one with JC, pero ‘yung kay JC, doon talaga ako umiyak nang husto.

    Siguro, hindi lang sandakot kundi sampung dakot na luha ang nawala sa’kin doon, lalo na nu‘ng first week after the breakup. Iyak ako na ng iyak gabi-gabi. But now, okay na, friends naman kami. We communicate.”

    So why did they break up? “Mutual decision. No third party involved.

    Kasi pareho kaming sobrang busy, wala rin kaming time na for each other. May ‘Isang Dakot na Luha’ ako, may ‘Valiente’ siya na laging out of town ang location. But we’re not closing our doors. We just have to prioritize our careers muna.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here