Dating Ingat-yaman, posibleng makasuhan

    512
    0
    SHARE

    ANONG karapatan mayrun itong dating
    Barangay Treasurer upang kanyang gawin
    ang paghabla nito ng ‘electioneering’
    laban dito sa isang ‘Barangay Chair’ pa rin?

    Gayong hindi naman siya kumandidato
    bilang Kapitana o kagawad dito,
    kung kaya maliban sa pamemerwisyo
    ano ang posible pa nitong motibo?

    Kundi ng marahil ay paghihiganti
    kay Kapitana sa pagkasibak pati
    ng taong ito sa opisyal niyang ‘duty’
    bilang Ingat-yaman sa madaling sabi.

    Di malayong ito’y inudyukan lamang
    ng kung sino para si Kap ay kasuhan
    ng ‘vote buying’ base sa isinampa n’yang
    ‘complaint/affi davit’ sa maling tanggapan.

    Kung saan imbes sa ‘regular trial court’
    nitong munisipyo na nakasasakop
    isampa ang kaso, mali ang pinasok
    ng dating ‘treasurer’ na nagkukumahog.

    Dahilan na rin sa ‘out of jurisdiction’
    umano nitong ‘Commission on Election’
    ang ‘nature’ ng kaso kaya nadismis ‘yon,
    base sa nakalap nating impormasyon.

    Okey lang sana kung basta ganoon lang
    at itong isa ay di na gagawa riyan
    ng anumang aksyon para maresbakan
    ang noon ay kanyang ‘confi dant’ pa bilang.

    Pero nang dahil sa ginawang paghabla
    nitong dating Treasurer ni Kapitana,
    (na posibleng sulsol lamang nitong iba),
    siya ang tiyak na magkakaproblema.

    Sapagkat kasunod ng pagkaka-dismissed
    ng asuntong lubhang salat sa matuwid,
    ay kasong ‘perjury’ at saka ‘civil case’
    itong nakatakdang sa Korte i-submit

    Ng punong barangay laban sa taong yan
    kasama pati na itong iba pa riyan,
    na nagsulsol upang si Kap ay sampahan
    ng kasong salat sa legal na batayan.

    Pagkat kung totoo na nagka- ‘vote buying’
    at ya’y tunay naman ding ‘electioneering,’
    bakit kung kailan ang opisyal na taning
    para isampa yan di nagawang gawin?

    (Kung saan ayon sa pagka-alam natin
    yan ay pupuede lamang isampa ‘within
    ten days’ pagkatapos ng ‘final canvassing
    of votes’ ng Comelec – kaya paso na rin.

    At itong ‘complainant’ ay wala rin namang
    legal capacity para isulong niyan
    ang kahit na anong kasong panghalalan,
    pagkat ni hindi nga kumandidato yan

    Bunsod n’yan posible ring namimiligro
    na masampahan ng karampatang kaso
    si “Treas” sa Hukuman kapagka ginusto
    ng Punong Barangay na makulong ito

    At papagbayarin ng ‘moral damages,
    kasama pati na ang mga ‘witnesses’
    sanhi ng kanilang isinampang ‘complaint,’
    na direkta nating masasabing ‘baseless,’

    At ang sukli n’yan sa dating Ingat-yaman,
    na ngayo’y kasangga na ng nakalaban
    ay di masasabing maliit na bagay
    kung siya’y walang tulong na maaasahan.

    Yan ang masaklap na posibleng ibunga
    ng mapagpakinig sa sulsol ng iba;
    Pasasaan ba at tutulungan siya
    ng mga yan kapag natuloy ang habla!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here