DAHIL SA BAGONG SAPATOS
    Graduate sumakit ang paa, naglakad ng nakayapak

    335
    0
    SHARE

    BALANGA CITY – Hindi nakatiis sa sakit ng mga paa, hinubad ng isang magandang dalagita ang suot na bagong sapatos na ginamit sa kanyang katatapos na graduation program sa Balanga City nitong Biyernes ng tanghali.

    Naglakad ng walang sapin sa paa ang bagong high school graduate ng kampante na tila hindi inda ang init ng sementadong sidewalk kasabay ang maraming tulad niyang nagtapos sa Bataan National High School.

    Nang tanungin kung maaari siyang kunan ng video, tila isang modelo itong itinaas ng kaunti ang isang paa patalikod at hindi pansin ang maraming matang nakatingin sa kanya.

    Hindi raw nasira ang takong ng kanyang sapatos kaya niya hinubad kundi kabibili lang at sobrang sakit ng paa niya. Sa graduation rites pa lang daw ay gusto na niyang magyapak ngunit tiniis lamang niya.

    Kabi-kabilaa nang graduation programs nitong Biyernes sa Bataan mapa-elementary o high school.

    Kahit sinabi ng Department of Education na hindi dapat maluho ang graduation, hindi matiis ng maraming magulang na hindi ibili ng bagong sapatos at bagong damit ang kanilang mga anak. “Isang beses lang nangyayari ito sa buhay ng mga bata, ipagkakait pa ba namin?” sabi ng mga magulang.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here