Cristine Reyes tops FHM’s 100 sexiest

    413
    0
    SHARE
    Nauna nang naglabasan noon ang tungkol sa pagiging numero unong seksing babae ni Cristine Reyes ngayong taon sa FHM. Pero ngayong lang inilabas ang official announcement nito na si Cristine nga ang nanalo sa FHM’s 100 sexiest list. Nakatanggap ng kulang-kulang na 400,00o libong boto si Cristine.

    Pumangalawa naman sa listahan si Marian Rivera na siyang holder ng korona noong isang taon. Lamang si Cristine kay Marian ng mahigit na isang daang libong boto.

    Si Angel Locsin ang third placer, pang-apat si Katrina Halili at panlima si Iwa Moto.

    Nasa pang-anim na puwesto si Ehra Madrigal, kasunod si Anne Curtis sa pampito, at pangwalo si Angelica Panganiban.

    Nasa tail end ng top ten sina Pauleen Luna at Bangs Garcia.

    And speaking of Cristine, kahit masuwerte nga siyang napili ng FHM sa top post ng listahan, tila minamalas naman siya ngayon sa kanyang career.

    Hindi siya tagumpay sa bid na magbalik sa GMA 7 dahil maraming problema siyang hinaharap ngayon. Tila mapipilitan si Cristine na bumalik sa Kapamilya dahil nga may option angABS-CBN na i-renew ang natapos na kontrata nito sa kanila.

    Pero sieympre, ayaw na ni Cristine na magbalik sa Banana Split, yung iniwan niyang programa sa Dos sanhi ng maraming problemang kinasangkutan niya noon.

    “Mas gugustuhin pa raw niyang huwag na lang siyang magtrabaho at all rather than go back to her former cast members who obviously don’t appreciate working with her,” sabi ng isang source. “Feeling kasi niya, pinagkakaisahan siya roon ng mga kasamahan niya. She realized na mas enjoy pala talaga siyang katrabaho ang mga taga-Siete kaya nga she’s willing to swallow her pride makabalik lang sa original home studio niya.”



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here