Hay-Kat sex scandal

    228
    0
    SHARE
    Umani ng pagkondena mula sa ibat-ibang grupo at mga pamahalaang lokal sa bansa si Dr. Hayden Kho Jr., dahil sa ginawa niyang patagong pagkuha ng video sa kanilang pagtatalik ng aktres na si Katrina Halili.

    Napanuod na kaya nila ang nasabing sex video.



    Sa mga lumabas na balita sa telebisyon, radyo, internet at mga pahayagan, nagbatuhan ng paratang ang mga taong sangkot sa nasabing kaso. Sisi dito, sisi doon.

    Baka pag nagtagal ang Senado at ang media ang sisihin?



    Sa mga pahayag ng mga sangkot sa nasabing isyu, lumalabas ay pawang biktima sila.

    Sus, eh sino ang may kasalanan?



    Tama ang ginawa ng marami partikular na ang mga grupo ng kababaihan na magbigay ng suporta kay Katrina.

    Pero, hindi dapat kalimuta na may pagkakamali rin ang aktres sa pakikipagtalik sa doctor kahit pareho silang binata at dalaga.



    Malinaw ang isinasaad sa 10 Utos ng Diyos na nakatala sa Bibliya.

    Huwag kang makikiapid at magnanasa sa hindi mo sa asawa.



    Nakakalarma daw ang mabilis na pagkalat ng sakit na porcine reproductive and respiratory syndrome (PRRS) sa Pampanga na naging sanhi ng pagmakatay ng mga alagang baboy sa mga backyard farm.

    Ayon sa provicial agriculturist ng Pampanga, airborne o natatangay ng hangin ang nasabing virus kaya mabilis iyong kumalat.



    Ayon sa mga residente ng Brgy. Sta. Cruz sa bayan ng San Simon, unang nanalasa ang nasabing virus sa Brgy. San Pablo Propio sa nasabing bayan matapos ang bagyong Emong noong unang linggo ng Mayo.

    Dahil dito, agad nagsagawa ng pagbabakuna ang mga agriculture officer ng Pampanga at ng San Simon.



    Ayon sa ulat ng CLTV 36 noong Miyerkoles ng gabi, bukod sa San Simon, kumalat na rin daw sa “iba pang munisipyo” ang PRRS.

    Teka, may babuyan ba sa “munisipyo?”



    Dahil dito, agad akong naglinaw kay Rommel Ramos ng Punto Central Luzon, na aking nakasama sa munisipyo ng San Simon noong araw ding iyon.

    “Pards, may napansin ka bang may sintomas ng PRRS sa munispyo ng San Simon kanina?”  Natawa lang si Ramos sa tanong ko.



    Nagsagawa ang pamahalaang panglalawigan ng Bulacan ng isang provincewide preparedness and management conference hinggil sa Influenza A H1N1 noong Lunes sa Lungsod ng Malolos.

    Ngunit sa panahon ng kumperensiya, lumabas na hindi malinaw sa mga dumalo kung ano ang kasalukuyang pangyayari hinggil sa Influenza A H1N1.



    Bilang isa sa tatlong mamamahayag na dumalo sa nasabing kumperensiya, itinuro ako sa moderator ng open forum ni Dr. Joycelyn Gomez, ang provincial public health officer, upang magtanong.

    Nilinaw ko sa mga dumalo na ang media ay sa mahalagang makakatulong nila sa pagpapalaganap ng impormasyon hinggil sa influenza A H1N1, ngunit hindi lahat ng mga mamamahayag ay nauunawaan ang nasabing sakit.



    Ibinigay kong halimbawa sa kanila na sa panahon ng kasagsagan ng Bird Flu, minabuti ng Philippine Press Institute at Unicef na magsagawa ng isang training workshop sa San Fernando Pammpanga para sa mga mamamahayag upang maipaliwanag ang mga paraan ng paguulat sa sakit na bird flu.

    Kaugnay nito, tinanong ko sa DOH kung ano plano nilang training workshop para sa mga mamamahayag.  Imposible kasing maipaliwanag ng mga mamamahayag sa kanilang balita ang naturang sakit, kung sila o kami mismo ay kulang sa kaalaman.



    Pabor naman si Dra. Gomez na magsagawa ng isang workshop.

    Hindi nga lamang malaman kung kailan maisasagawa.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here