Cristine Reyes di na muling magpa-sexy?

    331
    0
    SHARE

    CONSISTENT naman ang mga pahayag ni Cristine Reyes na ayaw na niyang magpa-sexy after ng movie niyang Trophy Wife nu’ng nakaraang presscon ng movie.

    Naku, dapat itinodo na niya ang lahat-lahat para naman meron siyang maiwan na pasabog ng kanyang alindog.

    Eh, sa huling movie ni Cristine na When The Love Is Gone, muntik sumilip ang kanyang boobs sa eksena niya sa bathtub na umaahon. Ang chika ng mga unang nakapanood ng movie, this time sa TW, aba, ang kanyang “flower arrangement” naman ang nasipat.

    Sa desisyon na ito ng seksing aktres, galingan niya nang mabuti ang kanyang pag-arte sa susunod niyang movie o TV series para naman hindi maunsyami ang mga tagahanga niya.

    Remember, nagpaseksi rin nu’ng kapanahunan nila sina Lorna Tolentino, Rio Locsin, Cherie Gil at Amy Austria. Pero, eventually, ang galing sa pag-arte ang nangibabaw sa kanila kaya naman tagumpay sila sa pagtalikod sa paghuhubad.

    Or even her sister, Ara Mina, for that matter.

    So, alam mo na, Cristine, na maraming mata na susubaybay sa career mo dahil sa iyong deklarasyon.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here