Cristine Reyes, Ara Mina nagbukingan ng masamang ugali

    609
    0
    SHARE
    Tsismosa raw ang ate niyang si Ara Mina ayon kay Cristine Reyes. Masyado raw itong pakialamera na lahat na lang ay dinidiwara.

    Ito raw ang ayaw na ayaw ni Cristine sa Ate niya.ayaw na ayaw niya sa kapatid na si Binuwetahan naman si Cristine by saying na sobrang sumpungin daw si Cristine. Kumbaga, gumanti si Ara at ibinuking ang ugali ng ‘di maganda ng kanyang kapatid. 

    ‘Pag wala raw sa mood ang younger sister ay walang kibo ito. ‘Di umiimik sa baha. Pero, kapag  nasa  mood naman daw si Cristine ay  makuwento ito at napaka-saya. Kapag wala raw sumpong si Cristine ay malambing ito. Bigla na lang daw magreregalo o magbibigay ng kung anu-ano sa kanilang pamilya. Kaya kahit daw may pagkapasaway si Cristine ay napagpapasensiyahan ito ni Ara.

    Sa  ngayon, bilib si Ara sa career ng kapatid na  biglang bongga. Hindi raw lahat  ng  artista ay nagkakaroon ng pe-likula at soap.   

    Abut-abot na biyaya nga raw ang tinatanggap ni Cristine ngayon. Tulad ng magandang pelikulang  Patient X kung saan katambal  pa ang number actor ng GMA7 na si Richard Gutierrez. 

    And speaking of Crsitine Reyes,  matinding wow ang naging reaction ng mga press na dumalo sa premiere night ng Patient X sa Cinema 4 ng SM Manila nang dumating ito.

    Grabe ang ganda at kinis ng kutis ngayon ni Cristine. Nakababaliw sa ganda at kaseksihan ngayon si Cristine. Sa magkabilang gilid  ng suot ni Cristine  ay may malaking cut kaya halos lumuwa na ang malulusog nitong boobs.

    Agaw eksena si Cristine at maging ang  co-stars at mga bisitang celebrity ay nagulat sa kanyang very revealing outfit

    In full force na dumating ang Gutierrez family with Royal Era talents Michelle Madrigal at Bubbles Paraiso. Dumating din ang buong production staff ng GMA Films sa pangunguna ni Annette Gozon-Abrogar, Joey Abacan and Elaine kasama ang staff ng Viva Films at RGutz Production.

    Mistulang foreign horror  movie ang Patient X na world class ang dating. Mula umpisa hanggang sa katapusan ay punumpuno ng suspense at action. Nagkaisa ang lahat ng press people na nakapanood ng movie na best Richard Gutierrez performance ito.


     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here