Home Headlines Covid-19 sa Bulacan: 70 nagpositibo, 2 namatay, 35 nakarekober

Covid-19 sa Bulacan: 70 nagpositibo, 2 namatay, 35 nakarekober

665
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS — Nagpositibo ang 70 indibidwal habang 35 ang nakarekober at dalawa ang namatay sa Covid-19 sa lalawigan ng Bulacan nitong Biyernes.

Sa pinakahuling tala ng provincial health office, umabot na sa 1,401 ang aktibong kaso sa lalawigan ang ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa sakit naman ay nasa 1,525.

Samantala, and mga namatay nitong Biyernes ay isa sa bayan ng Obando at isa sa lungsod ng Meycauyan, na nagakyat sa kabuuang bilang ng mga pumanaw sa 74.

Ipinaalala naman ng PHO sa publiko na palagiang paghuhugas ng kamay, pagsuot  ng face mask at panatilihin ang social distancing.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here