Home Headlines Covid-19 sa Bataan: 5 aktibong kaso tinututukan

Covid-19 sa Bataan: 5 aktibong kaso tinututukan

745
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Nakatutok ang mga provincial health authorities sa limang active cases ng coronavirus disease sa Bataan matapos hindi gumalaw ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng mapanganib na virus sa ikalawang araw nitong Lunes.

Sinabi ng provincial health office ngayong Martes na nananatili sa kabuuang bilang na 151 ang confirmed Covid19 cases, 137 ang naka-rekober at siyam ang patay.

Ayon kay Angel Luis Lara, hepe ng provincial information office, lumabas sa mga tala na meron na lamang limang active Covid19 cases sa Bataan matapos ang pinagsamang bilang ng naka-rekober na137 at pumanaw na siyam, ay ibawas sa kumpirmadong kasong 151.

Ang limang active cases ay dalawa mula sa siyudad na ito at tig-isa sa mga bayan ng Abucay, Limay at Orion.

Ang mga bayan namang itinuturing na zero active Covid19 cases ay Dinalupihan, Hermosa, Orani, Samal, Pilar, Mariveles, Bagac, at Morong.

Ang walong bayan ay nagkaroon ng confirmed Covid cases ngunit ang mga pasyente rito ay kabilang sa gumaling na 137 at ang iba ay kasama sa siyam na nasawi.

Samantala, batay sa ulat ng PHO, sa kabuuang bilang na 2,632 na sumailalim sa Covid19 test, 2,286 ang negatibo at 195 pa ang naghihintay ng resulta.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here