Home Headlines Covid 19 sa Bataan: 13 nakarekober, 2 bagong kaso

Covid 19 sa Bataan: 13 nakarekober, 2 bagong kaso

486
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Sa huling ulat ng provincial health office ngayong Martes, may naitalang 13 nakarekober at dalawang bagong kumpirmadong kaso ng coronavirus disease sa Bataan.

Dahil sa pangyayari, umakyat sa 184 ang bilang ng mga gumaling samantalang tumaas naman sa 263 ang kabuuang bilang ng nagpositibo sa Covid-19, sabi ng PHO.

Ang mga bagong nakarekober ay isang 54-anyos na lalaki, 54-anyos na babae, at 38-anyos na babae mula sa Mariveles; 45-anyos na lalaki, 29-anyos na lalaki, at 50-anyos na lalaki na pawang mga overseas Filipino workers mula sa Abucay.

Ang iba pang gumaling sa Covid-19 ay 42-anyos na lalaking OFW sa Limay; 29-anyos na lalaking health worker mula sa Balanga City; 63-anyos na lalaki, 61-anyos na babae, 65-anyos na lalaki, 16-anyos na babae,at 75-anyos na babae, lahat mula sa bayan ng Orani.

Ang mga bagong kumpirmadong kaso ay isang 53-anyos na lalaki at isang 26-anyos na lalaki na parehong mula sa Abucay.

Ang aktibong kaso o mga hindi pa gumagaling sa Covid-19 ay 69. Nananatili sa 10 ang bilang ng mga pumanaw na.

Ayon sa report ng PHO, nasa 123 ang nagihintay ng resulta samanatalang 5,458 ang nagnegatibo na mula sa 5,844 na sumailalim sa Covid-19 test.

Patuloy ang paalaala ni Gov. Albert Garcia na sumunod ang lahat sa safety protocol upang hindi na kumalat ang mapanganib na virus.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here